• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Di naiwasang hingan ng opinyon sa ‘Eat Bulaga’: KIM, naniniwalang kahit saan mapunta ang TVJ ay susuportahan pa rin

HINDI naiwasang hingan si Kim Chiu ng opinyon tungkol sa mga nagaganap ngayon sa ‘Eat Bulaga’ bilang isa si Kim sa main hosts ng katapat na ‘It’s Showtime’.

 

 

 

“Change is nandiyan na talaga yan, e. Parang hindi naman natin mababago yan. And ‘yung high respect ng bawat isa sa TVJ is really there,” pahayag ni Kim sa mediacon para launch niya bilang brand ambassador ng Sisters Sanitary Napkins kamakailan.

 

 

 

“Kahit saan man sila mapunta o kung ano man, susuportahan at susuportahan. Walang taong hindi nakakakilala sa kanila. Sobrang taas ng respeto natin sa kanila,” sinabi pa ni Kim.

 

 

 

“So, kung ano yung decision nila and whatever is happening sa base nila, it’s for them. But for us, we just have to keep on supporting kung saan man sila mapunta.

 

 

 

“And, that’s what they need also, their support. Lahat naman tayong mga artista, kailangan natin ng suportahan talaga. Hindi tayo maghihilahan pababa.

 

 

 

“We have to push forward. Lalo na sa mundo ng change. Of course, yung respeto natin, nandun talaga. Sila talaga yun,” pahayag pa ni Kim.

 

 

 

***

 

 

 

TUNGKOL pa rin sa usaping telebisyon, natanong si Aljur Abrenica kung bukas siya sa posibilidad na muling magtrabaho sa GMA-7 kung sakaling magkaroon ng collaboration ang GMA-7 sa ABS-CBN (tulad ng ‘Unbreak My Heart’) o sa ibang network na maaring isama siya sa isang project.

 

 

 

“Oo. I would be happy. Kung interesado sila, sana…” ang simpleng sagot ni Aljur na nakausap namin sa grand opening ng bagong branch ng Idara Aesthetics and Café sa North Tower ng SM The Block.

 

 

 

Kasama ni Aljur ang girlfriend na si AJ Raval sa event pero magalang naman na nakiusap ang aktor na walang personal na mga katanugan sa kanilang dalawa.

 

 

Dumalo raw sila sa nasabing event bilang suporta sa Idara Aesthetics and Café Cinic ng mga kaibigan nilang mag-asawang Philip at Lui Lipnica na may-ari ng skincare clinic.

 

 

 

“Ayoko munang magsalita ng anything personal. Kasi baka ma-front page na naman to, e. We’re here for our friends…

 

 

 

“Kaibigan namin yung may-ari, kinuha kami para sumuporta dito sa Idara.

 

 

 

“Kasi may mga several businesses sila yung family nila, and may mga resorts sila, pinupuntahan namin yun.

 

 

 

“We’re very happy sa success nitong opening ng Aesthetics nila.

 

 

 

“Kanina, sa MOA, ngayon dito naman sa SM North. Iyun yung reason kung bakit kami nandito.”

 

 

 

Hindi pa sila official na celebrity endorsers ng clinic pero ayon kay Ms. Lui ay inaayos na nilang kunin sina Aljur at AJ na endorser ng kanilang clinic na ang main branch ay nasa Timog Ave., Quezon City; may branch rin sila sa Robinson’s Galleria, Ayala Felize sa Marcos Highway at magkakaroon na rin daw sa Cloverleaf.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Ads March 1, 2023

  • KINASUHAN NA

    INIHARAP ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang limang suspek, kabilang ang 4 na menor de edad na nag “trip” sa isang balloon vendor na kumalat sa social media.   Ang menor de edad ay sinamahan ng kanilang mga magulang na nagtungo sa Manila City Hall gayundin si Dranreb Colon, 18, ng 1464 Ilang-ilang […]

  • POC pres. Tolentino ipinagmalaki ang tagumpay ng mga atleta sa kanyang pamumuno

    IPINAGMALAKI ni Philippine Olympic Committee president Bambol Tolentino na mayroong mga malalaking sporting events na asahan na dito sa bansa gaganapin.       Muling nahalal kasi si Tolentino bilang POC president matapos na talunin ang dating basketbolistang si Chito Loyzaga sa botong 45-15.       Sinabi nito na ang resulta ng halalan ay […]