‘Di siya ganung ka-focus noong nag-uumpisa: LANI, sobrang na-impress sa mga baguhang singers
- Published on June 28, 2025
- by @peoplesbalita
BAGO nakilalang Asia’s Nightingale ay dumaan din si Lani Misalucha sa pagiging baguhang singer.
Kaya naman ngayong siya ay judge na sa ‘The Clash 2025’ ng GMA, ano ang nararamdaman niya kapag nakikita niya ang mga baguhang mang-aawit na susubok ng kanilang kapalaran sa showbiz?
“Oh my gosh! Sabi ko dito sa mga bagong singers na ‘to, I’m so impressed with them, sa totoo lang.
“Because nung ako ay nag-uumpisa, hindi ako ganyan ka-focus, sa totoo lang.
“Probably because, nasabi ko na I wasn’t that focused compared to them because that time you know I was already a mother of two.
“You know parang I was trying to balance the singing side and of course being a homemaker, a mother, you know so hindi ako ganun ka… iyon na nga, ka-focused.
“But these kids you know I can really say that they wanted this, and I can see na talagang mahusay sila, you know?
“Talagang nagko-concentrate sila, alam nila yung ginagawa nila, and the way they sing parang matagal na silang kumakanta.
“So I’m really impressed and I’m grateful na somehow nakikita ko yung sarili ko sa kanila na itong mga ‘to they’re gonna make it and they’ll go places,” pagbabahagi pa ni Lani.
Judge si Lani sa ‘The Clash’ kasama sina Christian Bautista at Ai Ai delas Alas at hosts naman sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.
Napapanood ito tuwing Linggo, 7:15 pm, sa GMA.
***
PABORITONG singer ni Patrick Marcelino ng grupong Innervoices si Gary Valenciano.
Hindi pa raw siya nagkakaroon ng pagkakataon na makadaupang-palad si Mr. Pure Energy.
“Hopefully one day po talaga ay ma-meet ko siya personally. I’m a big fan, number one po sa mga local artists dito sa Pilipinas.
“Siya po talaga yung number one favorite singer ko,” sinabi pa ng bagong bokalista ng grupo.
Eighteen years old si Patrick noong nagsimula siyang magbanda, pinagsabay niya ang pagkanta at pag-aaral sa kolehiyo.
Ang iba pang miyembro ng Innervoices ay ang leader at keyboardist ng grupo na si Atty. Rey at sina Joseph Cruz (keyboard), Joseph Esparrago (drum), Alvin Hebron (bass), Rene Tecson (lead guitar).
Si Angelo Miguel ang dating bokalista ng grupo.
Kuwento pa ni Patrick, “Pag hindi po talaga nakakasampa si Angelo sa mga gigs, ako po talaga yung tinatawagan ni Sir Rey. Kumbaga ako yung substitute singer lang ni Angelo that time.
“So dun po nag-start.
“Kaya ngayon po hindi po talaga ako nahihirapang makipagtrabaho sa kanila kasi pretty much of Angelo’s song naman nakakanta ko naman.”
At nagkakaisa ang maraming nakakapanood ng mga shows ng Innervoices na very good choice si Patrick na maging bokalista ng Innervoices at maging kapalit ni Angelo.
Ang mga bagong kanta ng Innervoices ay ang “Meant To Be” na nilikha ng leader ng grupo (at keyboardist) na si Atty. Rey Bergado, at ang “Idlip”, “Galaw”, “T. H. A. L. (Tubig, Hangin, Apoy, Lupa)”, “Saksi Ang Mga Tala”, “Handa Na Kitang Mahalin”, at ang “Sayaw Sa Ilalim Ng Buwan”.
Bukod sa regular nilang gig sa 19 East ay napapanood rin ang Innervoices sa Hard Rock Café sa Ayala sa Makati at sa Aromata sa Scout Lazcano sa Morato, Quezon City, at marami pang iba.
(ROMMEL L. GONZALES)