Diaz, Ando nakahanda na
- Published on July 23, 2021
- by @peoplesbalita
MAY dalawang bet ang Pilipinas sa 32nd Summer Olympic Games 2020 women’s weightlifting sa Tokyo, Japan na inatrasado ng Coronavirus Disease 2019 na papailanlang na ngayong Biyernes, Hulyo 23 at aabutin ng hanggang Linggo, Agosto 8.
Sila ay sina Hidilyn Diaz, 30 taon, 4-11 ang taas, ng Zamboanga City sa 55-kilogram class, at Elren Ann Ando, 22, ng Cebu City sa 64kg.
Puwedeng ang pang-apat na quadrennial sports festival na ito ng sundalong dalagang si Diaz ang huli na niya. Puntirya niyang madale ang gold medal para malampasan ang silver sa 2016 Rio de Janeiro Olympics.
At higit sa lahat matapos na ang may 96 na taong tag-uhaw sa gold ng mga Pinoy sa paligasahang ito,
Si Ando naman sa kabilang banda ang isa sa mga tinatayang susunod sa yapak ni Diaz.
Sa Lunes, Hulyo 26 na ang sabak ni Diaz, kinabukasan o Martes si Ando sa sport na sisimulan sa Sabado, Hul. 24 at matatapos sa Miyerkoles, Agosto 4.
Parehong nagpahayag na ng kahandaan ang dalawa sa kanilang mga kampanya rito. (REC)
-
Ipinagtanggol din niya ang inaakusahang direktor: ALBIE, nagpapasalamat na ‘di pa naranasan na ma-sexually harass
SA panahon ngayon, tuwing may mediacon at may young actor na kasali, tiyak na matatanong tungkol sa kontrobersyal na isyu ngayon, ang sexual harassment, partikular sa mga lalaking artista. Bunga ito ng eskandalong kinasasangkutan ngayon nina Sandro Muhlach at Gerald Santos na usap-usapan sa buong Pilipinas. Kaya sa presscon […]
-
PBA gusto nang lumaraga sa June 15
Target ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) na masimulan ang PBA Season 46 Philippine Cup sa Hunyo 15. Ito ang inihayag ni Barangay Ginebra governor Alfrancis Chua matapos makakuha ng go-signal sa Inter-Agency Task Force (IAFT) para sa training at scrimmages ng 12-koponan. “We are thinking of June 15,” ani […]
-
US nagpadala ng Patriot missiles sa Poland bilang proteksyon laban sa posibleng pag-atake ng Russia
MAGPAPADALA ang US ng dalawang Patriot missiles batteries sa Poland bilang pagkontra sa banta sa US at NATO allies dahil sa nagpapatuloy na paglusob ng Russia sa Ukraine. Ang nasabing Patriots air defense missile systems ay kayang magharang ng mga paparating na mga short-range ballistic missile, advanced aircraft at cruise missiles. […]