Diaz delikado sa ika-4 na Summer Olympic Games
- Published on March 19, 2021
- by @peoplesbalita
NAMEMELIGRONG mabulilyaso ang magiging rekord na ikaapat na sunod na 32nd Summer Olympic Games ni Hidilyn Diaz at ang napipintong wakasan ang tagtuyot sa gold medal ng ‘Pinas sapul noong 1924 sa Paris, France.
Hindi ito kasalanan ng 2016 Rio de Janeiro Olympics women’s weightlifting silver medalist, kundi sa pasaway na International Weightlifting Federation (IWF) na balot ng korapsyon sa pananaw ng International Olympic Committee (IOC).
Sumingaw nitong Huwebes mula sa weightlifting manager for Tokyo 2020 na itinulak ng IWF board sa panganib ang kinabukasan ng sport sa pagsasagawa nang matagal nang naurong na halalan sa Oktubre, na labis kinabanas ng IOC.
Idinagdag pa ni IWF technical committee administrator & senior member Reiko Chinen na hindi sang-ayon ang IOC sa hakbang ng board.
Giniit na minsan ng Olympic body na plantsahin na muna ang konstitusyon ng organisasyon saka mag-eleksiyon ng mga bagong opisyal ang pederasyon.
Nakatakda ang quadrennial sportsfest na inurong lang ng Coronavirus Disease 2019 sa parating na Hulyo 23-Agosto 8 sa Tokyo, Japan. (REC)
-
Dahil nag-resign si Miss Thailand: Korona ng ‘Miss Interglobal 2021’, binigay kay Miss PH MIRIAM REFUERZO DAMOAH
BAGO pa man maganap ang Miss Universe pageant, nakapanalo ulit ang Pilipinas ng isa pang korona mula sa isa pang international beauty pageant. Binigay ang korona bilang Miss Interglobal 2021 kay Miss Philippines Miriam Refuerzo Damoah pagkatapos mag-resign ni Miss Thailand Nachita Jantana. Si Damoah ang first runner-up kay Jantana sa naturang Nigeria-based […]
-
Matapos ang mahalagang partisipasyon sa WEF: PBBM, balik-Pinas na
NAKABALIK na ng Pilipinas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., araw ng Sabado matapos dumalo sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland. “I am pleased with the progress we have made during our crucial participation in the World Economic Forum (WEF), a truly global multi-stakeholder platform,” sa kanyang naging talumpati sa Villamor Air […]
-
Pinas, nakakuha ng ₱9-B loan mula France
NAKAKUHA ang Pilipinas ng €150-million o mahigit na ₱9 billion policy-based loan mula France para idagdag at gamitin sa “climate change mitigation at adaptation.” Sinabi ng French Development Agency (AFD) na nagsagawa ito ng ceremonial exchange of documents sa Department of Finance sa loan na tinintahan noong nakaraang Disyembre 29, 2022. Naglalayon itong tulungan ang […]