• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Diaz magdo-donate ng P1 milyong weightlifting equipment

Ayon kay Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella, magdo-donate si Diaz ng mga weightlifting equipment sa SWP at Philippine Sports Commission.

 

 

Nagkakahalaga ito ng P1 milyon.

 

 

Nais ni Diaz na makatulong upang makatuklas pa ng mga bagong talento na susunod sa kanyang yapak sa mga darating na henerasyon,

 

 

Kaya naman malaki ang maitutulong ng mga sports equipment para may magamit ang mga interesadong atleta.

 

 

“Gusto ni Hidilyn na maibahagi ang pinaghirapan niya sa new breed of athletes especially sa weighlifting,” ani Puentevella.

 

 

Marami ang nagkainteres sa weighlifting matapos masungkit ni Diaz ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympic Games.

 

 

Pinagreynahan ni Diaz ang women’s 55-kilogram division kung saan bumuhat ito ng 97 kgs. sa snatch at 127 kgs. sa clean and jerk para sa kabuuang 224 kgs.

 

 

Mahigit P50 milyon ang tinanggap ni Diaz mula sa cash prize, house and lot, kotse at ilang negosyo package bilang insentibo sa kanyang pagkakapanalo ng gintong medalya sa Tokyo Olympics.

Other News
  • Durant iniligtas ang Nets sa Mavericks

    Humataw si Kevin Durant ng 24 points para iligtas ang Brooklyn Nets sa unang back-to-back losses nga­yong season matapos ungusan ang Mave­ricks, 102-99.     Bumangon ang Nets (17-7) mula sa 17-point deficit sa third quarter sa likod ng 11 points ni Durant para resbakan ang Mave­ricks (11-12) at patuloy na pamunuan ang Eastern Conference. […]

  • 4 na oras sa burol, 4 na oras sa libing ni baby River ibinigay ng korte kay Nasino

    WALONG oras ang ibinigay ng Manila Regional Trial Court ,Branch 47, sa aktibistang si Reina Mae Nasino para masilip at makapiling ang kanyang nasawing anak sa burol nito at sa nakatakdang libing sa Manila North Cemetery sa Oktubre 16,2020 sa Maynila.   Sa dalawang pahinang order ni Manila RTC,Br.47 Presiding Judge Paulino Gallejos, si Nasino […]

  • ‘Wag ibenta, ‘wag paupahan – NHA

    BINALAAN ng National Housing Authority (NHA) ang mga housing beneficiaries na huwag ibenta o paupahan ang pabahay na ibinigay sa kanila ng pamahalaan.     Ayon kay NHA Ge­neral Manager Joeben Tai, maaaring malagay sa blacklist o makansela ang ibinigay na pabahay kapag ibinenta o pi­naupahan.     “Those who are selling or renting out […]