• May 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Diaz may plano para sa mga nais maging weightlifter

Sakaling dumating ang oras na kailangan na niyang magretiro ay gusto ni national weightlifter Hidilyn Diaz na maging opisyal ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP).

 

 

Ito, ayon sa 30-anyos na tubong Zamboanga City, ay para matulungan ang mga batang weightlifters na makapaglaro rin sa Olympic Games kagaya niya.

 

 

“Siguro iyong purpose ko kasi kaya ako nandito pa rin at naglalaro, gusto ko talaga na maraming Pilipino na papasok sa weightlfiting, mag-try sila ng weightlifting,” sabi ng 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist.

 

 

“I’m hoping na after ng career ko, maging official ako sa weightlifting para mas marami akong matulungan. At I’m hoping na kapag nakapasok sila sa Palarong Pambansa, kapag nakapasok sila sa UAAP, may mga scholarship iyong mga bata,” dagdag nito.

 

 

Pormal na inangkin ni Diaz ang tiket para sa 2021 Olympics sa Tokyo, Japan, nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8, matapos sumali sa Asian Weightlifting Championships sa Tashkent, Uzbekistan.

Other News
  • Utang ng gobyerno ng Pinas, pumalo na sa P12T mark

    LUMOBO na ang utang ng gobyerno ng Pilipinas at nakapagtala ito ng bagong record-high at nasira ang P12-trillion mark “as of end-January” ngayong taon sa gitna ng nagpapatuloy na borrowing efforts para palakasin ang pananalapi para sa COVID-19 recovery measures.     Ito ang makikita sa data na ipinalabas ng Bureau of the Treasury (BTr). […]

  • Mabigat at intense ang mga eksena sa ‘In Thy Name’: McCOY, naging emosyonal dahil sa natanggap na papuri mula sa ina

    NAGING emosyonal nga ni McCoy de Leon at napaiyak sa premiere night ng “In Thy Name” nang i-acknowledge ang ina niya na nasa audience ng gabing iyon sa loob ng Cinema 7 ng SM North EDSA. “I’m proud of you, anak, I’m happy for you,” ang mensaheng sinabi kay McCoy ng ina. “Sobra, sobra, sobrang proud, […]

  • Inaangkat na frozen meat posibleng magdala ng ASF, iba pang sakit

    POSIBLE  umanong makapagdala ng African Swine Fever (ASF) at iba pang sakit ang mga inaangkat na frozen meat sa bansa, ayon sa agriculture expert.     “’Yung disadvantage talaga is ‘yung sa food safety kasi we don’t know ‘yung sa source, specifically kung paano binuo ‘yung manok sa farm… (Sa imported frozen meat) depende ho […]