Diaz pormalidad na lang ng pagpasok sa Tokyo Games
- Published on January 22, 2021
- by @peoplesbalita
KABILANG sa top eight sa International Weightlifting Federation (IWF) world ranking sa women’s 55-kilogram event ang mga magku-qualify para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong sa Hulyo 2021.
At sa pag-okupa sa No. 2 sa kasalukuyan, halos pasok na rin ang 29 na taong-gulang, 4-11 ang taas at tubong Zamboanga City na dalagang barbelistang si Hidilyn Diaz.
Kailangan na lang niyang sumalang sa Olympic Qualifying Tournament liftest sa darating na Abril 15-25 sa Tashkent, UIzbekistan sa April 15-25 para mapormalisa ang pang-entra niya sa ikaapat na sunod niyang na quadrennial sportsfest na noong isang taon pa niya inaasam.
Pero nabatid kahapon kay Philippine Weightlifting Association, Inc. (PWAI) president Monico Puentevella, na hindi lang sa Diaz ang ipapadala sa Tashkent kundi ang iba pang nasa national training team. (REC)
-
Medvedev, kinoronahang hari ng ATP nang magwagi vs Thiem
Nadagit ni Russian tennis star Daniil Medvedev ang kampeonato sa ATP Finals sa London matapos na talunin nito si Dominic Thiem. Bagama’t nabigo sa isang set, hindi nagpatinag si Medvedev at pinahiya si Thiem sa iskor na 4-6, 7-6 (7/2), 6-4 para makuha ang pinakamalaking tagumpay sa kanyang career. Umabot sa dalawang oras […]
-
VP Leni, misinformed sa nangyaring gulo sa pagitan ng magsasaka at pulisya
PINABULAANAN ni Department of Agrarian Reform (DAR) Acting Sec. Bernie Cruz, ang naging pahayag ni VP Leni Robrero patungkol sa pang-aaresto ng pulisya sa umano’y mga magsasaka sa Hacienda Tinang sa Tarlac City. Ito ay matapos sirain at guluhin ng higit 90 magsasaka ang mga tanim ng mga co-owners ng Collective Certificates of […]
-
Pebrero 25 kada taon pinadedeklara ng mambabatas bilang regular, national at public non-working holiday
PINADEDEKLARA ng isang mambabatas ang Pebrero 25 kada taon bilang regular, national at public non-working holiday. Sa House bill 9405 na inihain ni Albay Rep. Edcel Lagman, pinadedeklara nitong holiday ang Pebrero 25 bilang komemorasyon sa Edsa People Power Revolution. Kasunod na rin ito sa hindi pagkakasama sa inalabas na Proclamation […]