Diaz seselyuhan ang ika-4 niyang Summer Olympics
- Published on April 15, 2021
- by @peoplesbalita
LUMAPAG na sa Tashkent, Uzbekistan si 2016 Rio de Janeiro Olympics women’s weightlifting 53-kilogram silver medalist Hidilyn Diaz upang pormalisahin na lang pang-apat na pagsabak sa 32nd Summer Games sa pagbahagi sa 49th Asian Men’s and 30th Women’s Weightlifting Championships 2021 sa Abril 16-25.
Abr. 10 nagbuhat sa Malaysia na naging kampo niya sapul noong Pebrero 2020 nang maipit sa lockdown bunsod ng COVID-19 ang 30-year-old,Zamboanga City pride, 4-foot-11, Air Force sergeant.
Kahit hindi mag-podium finish ang dalagang barbelista, swak na siya 32nd Summer Games 2020 sa Tokyo, Japan na inabala lang ng Covid-19 sa Hulyo 23-Agosto 8, dahil sa natugunang pagsali sa anim na Olympic Qualifying Tournament.
“14 months of waiting. See you in Uzbekistan,” bulalas ng 2020 Roma World Cup 59kg at 2020 Oceania Weightlifting Federation Eleiko Email international Lifters Tournament 55kg gold medal winner sa kanyang social media account.
Asam ni Diaz na malampasan ang silver niya sa RDJ Olympics para maipagkaloob sa ‘Pinas ng unang gold mula sa quadrennial sportsfest buhat noong 1924 sa Paris, France. (REC)
-
PBBM, suportado ang panukala ng PSAC na magsanay ng mas maraming Pinoy Healthcare
SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang ituloy ang pagsasanay sa mas maraming manggagawang Filipino sa healthcare at information technology (IT) sectors. Kailangan na i- require sa mga ito na magsilbi ng dalawa hanggang tatlong taon ‘locally’ bago pa payagan ang mga ito na maghanap ng trabaho sa ibang bansa para […]
-
PBBM, gustong gamitin ang biofertilizers para pagaanin ang kalagayan ng mga magsasaka
INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang plano ng kanyang administrasyon na pagamitin na ang mga magsasaka ng biofertilzer para mabawasan o hindi na umasa pa ang mga ito sa mga mamahalin at imported na petroleum-based fertilizers. Sa isang video message na ipinalabas ng Presidential Communications Office (PCO), sinabi ng Pangulo na […]
-
DA, magkakaloob ng P5M pautang sa bawat meat vendor association ngayong panahon ng krisis
NAKAHANDA ang Department of Agriculture na magkaloob ng P5 milyong pisong halaga ng loan para sa mga meat vendors association . Sinabi ni DA Sec. William Dar, na layon nitong matulungan ang mga tindera ng baboy na magkaroon ng sapat na kapital ngayong panahon ng krisis. Aniya, magsisilbing zero interest ang pautang na […]