DICT: Deadline ng SIM registration, Abril 26 pa rin
- Published on April 19, 2023
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA kahapon ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na nananatili pa ring Abril 26 ang deadline para sa mandatory registration ng mga SIM cards sa bansa.
“We like to as much as possible stick to what the law allows us to do and let’s see how the public has so far complied with what the law requires,” ayon pa kay Uy. “And as of today the deadline is still April 26.”
Kasabay nito, iniulat din ni Uy na may nakikita naman silang magandang progreso sa registration at nadadagdagan pa ang bilang ng mga rehistradong SIM cards.
Matatandaang ang SIM card registration ay sinimulan noong Disyembre 27 at nakatakdang magtapos sa Abril 26 lamang.
Nagbabala naman ang DICT na ang mga SIM cards na hindi mairerehistro bago ang deadline ay made-deactivate at hindi na magagamit pa.
Patuloy namang umaapela ang mga telecommunications firms na Globe Telecom Inc. at Smart Communications Inc. sa pamahalaan na palawigin pa ang deadline upang mabigyan ng sapat na panahon sa pagrerehistro ng SIM cards ang mga mobile users, partikular na ang mga marginalized sectors at yaong mga nasa malalayo at liblib na lugar.
-
Laro’t Saya sa Parke binalik ng Philippine Sports Commission
Optimistiko sina Laro’t Saya sa Parke Program Manager Dr. Lauro ‘Larry’ Domingo at may pasimuno ng proyekto na si PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy Jr na babalik ang sigla ng mga komunidad sa grassroots sports matapos ang mahigit dalawang taong tengga sanhi ng pandemya. Nasilip ito ng dalawang opisyal kasama si LSP […]
-
Top 4 most wanted person ng Malabon, nakorner sa Navotas
BAGSAK sa selda ang isang lalaki na wanted sa kasong pagpatay sa Lungsod ng Malabon matapos malambat ng pulisya sa ikinasang manhunt operatio sa Navotas City. Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa […]
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 49) Story by Geraldine Monzon
KAHIT nagseselos kay Jeff ay nagagawa ni Jared na kontrolin ang sarili. Habang si Jeff naman ay hindi maitago ang nararamdaman ng puso kaya ipinapakita talaga niya ang inis sa pinsan niyang iniisip niyang kaagaw kay Andrea. Hanggang sa napuno na rin si Jared sa kaangasan ni Jeff at hindi na napigilan ang pag-igkas […]