Digital COVID-19 vaccine IDs sa NCR handa na Setyembre 1 – Abalos
- Published on August 25, 2021
- by @peoplesbalita
Handa na pagsapit ng unang araw ng Setyembre ngayong taon ang digital COVID-19 vaccine certificates o IDs para sa National Capital Region, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos.
Kinukolekta na kasi aniya ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang lahat ng datos hinggil sa COVID-19 vaccination sa NCR.
Nauna nang sinabi ng DICT na sa Setyembre nga ilulunsad ang digital COVID-19 vaccine certificate portal.
Ayon kay DICT Undersecretary Emmanuel Caintic, nakikipag-ugnayan ang kagawaran sa Department of Health para ilunsad ang “VaxCertPH” sa unang linggo mismo ng Setyembre.
Sinabi ni Abalos na nakiusap siya kay Caintic para sa pagkakaroon ng feature kung saan maaring i-check ng LGUs sa NCR kung ang isang tao ay naturukan na ng COVID-19 vaccine doses mula sa iba’t ibang LGUs para maiwasan na madoble ang pagtuturok sa kanila ng bakuna.
Kaugnay nito, muling nagbabala ang chairman ng MMDA sa mga kumukuha ng booster shots sa iba’t ibang LGUs.
Ang mga mahuhuling gumagawa nito ay tiyak na makukulong, ayon kay Abalos.
-
Umaasang mamahalin din ang role sa bagong serye… GABBY, constant ang communication sa mga kapatid lalo na kay ANDI
BILANG mabait at matapang na commander ng Earth Defense Force, minahal ng publiko ang karakter ni Gabby Eigenmann bilang si Commander Robinson sa ‘Voltes V: Legacy’ na umere sa GMA noong 2023. Marami nga ang naapektuhan at nalungkot noong namatay si Commander Robinson sa kamay ng mga aliens na Boazanian habang ipinagtatanggol ang anak niyang si […]
-
Malakanyang, itinanggi na smuggled at illegal ang covid 19 vaccine na itinurok kay PDu30
ITINATWA ng Malakanyang na smuggled at illegal ang COVID-19 vaccine na itinurok kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Sinasabing di umano’y hindi pa clear ang bakuna na mula sa Chinese state firm Sinopharm sa emergency use sa bansa. “The vaccine from Chinese state firm Sinopharm that Duterte took on Monday is “covered by compassionate […]
-
Pag-review sa K-12 program sa PH, suportado ng sektor ng mga guro
SUPORTADO ng sektor ng mga guro sa bansa ang panawagang busisiin ang K-12 program para ganap na matugunan ang mga probema dito. Ayon kay ACT Teachers party-list lawmaker France Castro, maghahain muli ito ng isang resolution sa 19th Congress na hihikayat sa House of Representatives na magsagawa ng pagsisiyasat partikular na sa ilang […]