Digital Logbook System, ipatutupad sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan
- Published on February 27, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS- Matapos ang halos isang taong pagsuspinde ng paggamit ng biometrics dahil sa pandemyang COVID-19, sisimulan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na ipatupad ang Digital Logbook System na kaloob ng NSPIRE Inc. sa Marso 1, 2021 para mamonitor ang pagpasok ng mga kawani.
Sinabi ni Gob. Daniel R. Fernando na ang isinagawang trial ngayong araw ay bilang paghahanda sa mga empleyado sa bagong sistema sa pagpasok sa opisina na bunsod ng mga pagbabago sa nakaraang taon dahil sa COVID-19.
“This is to encourage the employees to be punctual. We’ve been lenient in understanding them dahil sa nawalan ng public transportation at nagpapasalamat ako dahil kahit ganoon, we are still able to serve our fellow Bulakenyos by working from home and skeletal arrangements using log books, but now we have to comply and observe work ethics while still following the health protocols,” ani Fernando.
Dagdag pa rito, sinabi ni Cynthia P. Abiol, pinuno ng Provincial Human Resource Management Office na dahil gagamitin na ang digital logbook system, hindi na kakailanganin na magsumite ng Daily Time Record (DTR), ngunit magsusumite pa rin lingguhang iskedyul para sa skeletal na pasok.
Bukod dito, ipinaliwanag ni Norminda Calayag mula sa Provincial Planning and Development Office, na pangunahing layunin ng nasabing aplikasyon ang contact tracing at masubaybayan ang attendance ng mga empleyado.
“Itong paggamit ng QR code ay individual at itatapat lang sa machine, hindi kailangan ng contact sa machine o sa tao. Provided ang QR code sa mga empleyado at meron din para sa mga Bulakenyong sasadya sa Kapitolyo,” paliwanag ni Calayag.
Ang nasabing sistema ay hatid ng NSPIRE Inc. sa pamamagitan ng pagkakaloob libreng ng software at QR code scanner.
Nakatuon ang kumpanyang ito sa mga proyektong may kinalaman sa teknolohiya na makatutulong sa pagpapaunlad ng mahusay na pagganap at operasyon sa trabaho.
-
Agent nagwala, arestado
SA kulungan ang bagsak ng isang insurance agent matapos insultuhin at pagsabihan ng hindi magandang salita ang isang massage therapist na tumanggi sa pera na kanyang inaalok kapalit ng extra service sa loob ng isang massage clinic sa Valenzuela city. Sa ulat, alas-12 ng hating gabi, nagtungo si Joshua Pangilinan, 21 ng Block 33 […]
-
MAHIGIT 100 TOLONGGES NA MTPB TRAFFIC ENFORCER SA MAYNILA, NASIBAK
BILANG bahagi ng ipinatupad na “one strike policy” sinampolan ang isang traffic enforcer na nag-viral sa social media matapos itong sibakin dahil sa pauli-ulit na kasong mi-apprehension. Ayon kay MTPB Director Dennis Viaje, Efren Fria ay sinibak makaraang dumulog sa tanggapan ng MTPB ang motorista na kanyang tiniketan na kinilalang si Miguel Vistan. […]
-
Kaya ilang araw ng wala sa ‘Eat Bulaga’… PAOLO, nagsu-shooting sa Australia kasama sina JIMMY, KAYE at PATRICK
NAGTATANONG na ang mga netizens na nanonood daily ng “Eat Bulaga” ng TAPE, Inc, bakit daw ilang araw nang hindi napapanood sa noontime show si Paulo Contis? Salamat sa post ng Sparkle Artist Center na kasama ni Paolo si Jimmy Santos, na dating Dabarkads ng “Eat Bulaga,” Caption ng photo ay, […]