DILG: 94% ng ECQ ayuda sa NCR, naipamahagi na
- Published on September 4, 2021
- by @peoplesbalita
Iniulat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na umaabot na sa 94.73% ang ayuda na natapos nang ipamahagi sa mga residente ng Metro Manila na naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ) na ipinairal ng pamahalaan noong Agosto 6 hanggang 20.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na umaabot na sa 10,663,537 recipients ang nakapag-claim ng kanilang social assistance mula sa mga local government units (LGUs) hanggang nitong Martes.
“As of yesterday (Martes), 94.73% na po ang ating naipamigay na ayuda sa ating mga kababayan,” ayon pa kay Malaya.
Ang mga residente aniya na dumudulog at humihiling sa mga grievance committees na maisama sila sa listahan ng mga benepisyaryo ang gagawing prayoridad dito.
Nilinaw naman ni Malaya na kailangan pa rin munang i-check ng LGUs kung kuwalipikado silang makatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan.
Matatandaang nagpatupad ang pamahalaan ng ECQ noong nakaraang buwan, bilang bahagi nang pagsusumikap na mapababa ang bilang ng mga taong mahahawahan ng COVID-19 sa rehiyon, partikular na ang Delta variant nito.
-
Canadian caddie ni Yuka na-heat stroke
Isinugod sa ospital ang Canadian caddie ni 2021 US Women’s Open Yuka Saso dahil sa heat stroke isang araw bago ang pagsisimula ng Tokyo Olympics women’s golf competition sa Kasumigaseki Country Club. Si Lionel Matichuk ay papalitan ni national team coach Miko Alejandro para gabayan si Saso, ayon sa National Golf Association of […]
-
Sa pagko-consider na isama bilang National Artist; LEA, ipinagdiinang maraming mas deserving tulad ni DOLPHY
ANG documentary film na “And So It Begins” ang napili ng Film Academy of the Philippines (FAP) bilang official entry ng Pilipinas para sa 97th Academy Awards o sa Oscars 2025. Lalaban ito sa kategoryang “Best International Feature”. Ang magandang balita tungkol sa pagkakasama ng “And So It Begins” ay inanunsyo ng FAP […]
-
Peak ng COVID-19, naabot na ng Metro Manila – Duque
NAG-PEAK na o umabot na sa pinakamataas na bilang ang COVID-19 sa Metro Manila makaraan ang patuloy na pagbaba ng mga kaso sa mga nakalipas na araw. “Lumalabas nag-peak na. Nakikita natin na ilang araw nang sunud-sunod na bumababa ang kaso sa NCR at lumiliit ang porsyentong inaambag nito sa ating total caseload,” […]