DILG binalaan si Gov. Garcia, mahaharap sa legal action kapag itinuloy ang optional mask EO
- Published on June 18, 2022
- by @peoplesbalita
SINABI ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na gagawa sila ng legal action laban kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia kapag itinuloy nito ang pagsuway sa mask mandate ng gobyerno sa gitna ng coronavirus pandemic.
“Ganun ang mangyayari diyan. Kapag patuloy nila yan gagawin at nagkakaroon na talaga tayo ng injury, damage and confusion eh talagang hindi naman pupuwede ang ating national government ay pababayaan lang mangyari ang ganyan,” ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.
Tinintahan kasi ni Cebu Province Governor Gwen Garcia ang Executive Order 16 na naglalayong gawing opsyonal ng publiko ang pagsusuot ng face mask sa labas kung walang sintomas ng COVID-19 ang mga ito.
Giit ni Año, walang legal na basehan ang hakbang na ito ng Cebu government, sabay sabing ang polisiya ng local government units ay dapat na naka-angkla sa polisiya ng national government at mga pahayag ng Pangulo at nakasaad sa Saligang Batas.
“We have ongoing talks in Cebu. The provincial director of the DILG continues to talk to them. In fact, I told them to fix the EO and the ordinance and align it with the IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases) rules. It cannot be optional. You can add some exemptions based on the advice of health and science experts but you cannot make the mask rule optional,” ayon sa Kalihim.
Nobyembre ng nakaraang taon, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang EO 151 kung saan inaprubahan ang nationwide implementation ng Alert Level System for Covid-19 response na nirekomenda ng IATF.
Binigyang diin sa IATF resolution ang “maintenance of minimum public health standards consistent with the Department of Health (DOH) Administrative Order No. 2021-0043 which includes the mandatory wearing of face masks, especially in public areas in places under Alert Levels one to five.”
Ang EO 168, sa kabilang banda, nilagdaan ng namayapa at dating Pangulong Benigno Aquino III noong 2014 ay naglalayong “to institutionalize the creation of an IATF in anticipation of any epidemics and pandemics in the country.”
“So let’s put order into things. You cannot just do that because you know that you have a mandate to ensure order. You cannot just ignore EOs and national policies especially when the health of the people is at stake. Why did we make wearing masks mandatory? It’s because we are still in a pandemic and it is not yet over,” ayon kay Año.
Kasunod ng pagpapalabas ng EO 16 ni Garcia, kaagad namang ipinag-utos ni Año sa kapulisan na patuloy na arestuhin, kung kinakailangan, ang mga hindi magsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar sa nasabing lalawigan.
Samantala, sinabi naman ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi kinonsulta ng Cebu provincial government ang DOH bago ito nagpasya na maglabas ng direktiba.
Ang lahat ng lokal na pamahalaan, iginiit din niya, ay dapat sumunod sa mga patakaran ng IATF.
Sinabi pa ng DoH na hindi pa ito ang tamang oras at panahon para bawiin ang sapilitang pagsusuot ng face mask lalo pa’t may ilang kaso na ang naitala kaugnay sa nakahahawang Omicron subvariant na natuklasan sa bansa. (Daris Jose)
-
Kamara tuloy ang laban kontra hoarders, price manipulators
Magpapatuloy ang Kamara sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pagtugis sa mga hoarder at price manipulator. Kasunod na rin ito sa ulat na bumaba ng hanggang P10 ang kada kilo ng sibuyas. Pinuri naman ni Deputy Majority Leader Rep. David Suarez (Quezon Province), isa sa mga lider ng House committee on […]
-
MRT-3 naghain muli ng petisyon sa taas-pasahe
NAGHAIN muli kahapon ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng petisyon para sa taas-pasahe sa Rail Regulatory Unit (RRU) ng Department of Transportation (DOTr). Ayon kay DOTr Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, na siya ring officer-in-charge ng MRT-3, layunin ng petisyon na maitaas ang kanilang boarding fare sa P13.29, […]
-
Mexican pinatulog ni Magsayo sa 10th round
Nagpasiklab din si Pinoy champion Mark Magsayo nang angkinin nito ang matikas na 10th round knockout win kay Mexican fighter Julio Ceja kahapon sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada. Inilatag ni Magsayo ang solidong right shot na kumunekta sa panga ni Ceja para matamis na makuha ang knockout win. “Tumutok […]