• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DILG Remulla, binalaan ang mga BFP personnel na nagbebenta ng fire extinguishers

BINALAAN ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nagbebenta ng fire extinguishers sa mga business owners na kumukuha ng fire safety clearances.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ni Remulla na nakahanda niyang sibakin ang mga BFP personnel na mapapatunayang may ginagawa at sangkot sa corrupt practices.

 

 

“Bawal magbenta ng fire extinguisher ang mga fire marshal at kung may ganon ireport n’yo kaagad sa akin at tatanggalin ko ‘yan on the spot,” ang sinabi ni Remulla.

 

 

“Galit na galit ako doon…Kalokohan ‘yan e. Bakit mo papahirapan ang negosyo? Nagbibigay ng trabaho ‘yan tapos gusto mo pagkakitaan lang,” dagdag na wika nito.

 

 

Sinabi pa ni Remulla na noong siya ay isang gobernador ng Cavite, pinagalitan niya ang mga fire personnel na sangkot sa illegal practices kabilang na ang pag-endorso ng mga kontratista para sa fire sprinklers.

 

 

Base sa BFP Memorandum Circular 2016-016, ang mga fire personnel ay pinagbabawalan na maugnay sa pagbebenta ng fire extinguishers at pag-endorso ng ‘manufacturers, dealers, o suppliers’ ng fire fighting equipment.

 

 

Nanawagan naman si Remulla sa mga local chief executive na hikayatin ang mga business owners na maghain ng reklamo laban sa mga pasaway at tiwaling BFP personnel.

 

 

“Mayors, please encourage business owners to file an ARTA complaint. Kung ma-delay pa more than one week, mag-file ng ARTA complaint, and I will personally see to it na ma-discipline sila,” aniya pa rin.

 

 

Sa ilalim ng Republic Act No. 11032 o Ease of Doing Business Law, dapat na ipalabas ng BFP ang Fire Safety Evaluation Clearance (FSEC) at Fire Safety Inspection Certificate (FSIC) sa mga negosyo sa loob ng pitong araw ng trabaho. (Daris Jose)

Other News
  • EJ Obiena excited ng maging flag bearer sa SEA Games

    LUBOS  ang kasabikan ni Filipino Pole Vaulter EJ Obiena sa pagiging flag bearer ng bansa sa pagsisimula ngayong araw ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Dumating ang 26-anyos na si Obiena isang araw bago ang formal opening ceremony na gaganapin sa My Dinh National Stadium.     Napili kasi ang world […]

  • Heartwarming at medyo kontrobersyal: Sen. IMEE, may espesyal na Christmas vlog na dapat matunghayan

    ITO na talaga ang pinaka-kahanga-hangang panahon ng taon at pinag-uusapan ng lahat ang espesyal na Christmas vlog ni Senator Imee Marcos na mapapanood nang libre sa kanyang opisyal na channel sa YouTube ngayong Disyembre 23. Libu-libong Imeenatics at netizens ang humuhula kung ano ang nilalaman nito. Sinasabi ng mga insiders na ang Christmas vlog ay […]

  • Ads February 17, 2025