• December 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DILG sa LGUs: Higpitan ang health protocols vs COVID-19

Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) na higit pang paghusayin ang kanilang mga ordinansa upang matiyak na patuloy na naoobserbahan ng mga mamamayan ang health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng nakamamatay na COVID-19.

 

 

Ayon kay DILG Officer-In-Charge at Undersecretary Bernardo Florece Jr., pagod na pagod na ang mga tao at maging ang mga law enforcers sa mga umiiral na restriksiyon, lalo na ngayong malapit nang umabot ng isang taon ang pagpapairal nito.

 

 

“Totoo ‘yun kasi sa March 16, one year na tayo exactly. Kasi March 16 tayo last year nag-declare ng lockdown sa Luzon. Kumbaga exhausted na rin ang mga tao pati na rin ‘yung ating mga law enforcers,” wika niya.

 

 

Kamakailan lamang ay nagpasya na ang pamahalaan na paluwagin o tuluyang alisin ang ilang health protocols at requirements upang unti-unti nang maiba­ngon ang nalugmok na ekonomiya ng bansa dahil sa COVID-19.

 

 

Hindi na kinakailangan ng mga biyahero na sumailalim sa COVID-19 testing maliban na lamang kung ire-require sila ng LGU bago ang kanilang pagbiyahe. Ta­nging RT-PCR test lamang din ang pinapayagan.

Other News
  • Ads January 16, 2020

  • PDu30, gustong bumalik sa Odette-hit provinces sa kabila ng COVID-19 case surge

    NAIS nang bumalik ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga lalawigan na winasak ng bagyong “Odette”.     Ito’y sa kabila ng pagsirit ng bagong surge ng COVID-19 cases na dahan-dahang winawalis ang iba’t ibang bansa.     Sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People,  na nais niyang muling bisitahin ang mga […]

  • DongYan fans, walang dapat ipag-alala: DINGDONG, natsi-tsismis na namang may babae na malinaw na haka-haka lang

    HINDI kami halos makapaniwala na simula sa pagiging child actress at five years old at halos napakaraming nagawang teleserye sa ABS-CBN, bukod pa sa suki rin dati ng ‘Maalaala Mo Kaya’, unang lead role pa lang pala talaga ni Jane Oineza ang “Nag-aapoy na Damdamin” na magsisimulang mapanood ngayong Lunes, July 24 sa Kapamilya Gold. […]