DILG, sinimulan ang Barangay Development Program sa Bulacan
- Published on November 23, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government ang groundbreaking ceremony ng mga development projects sa ilalim ng 2021 Local Government Support Fund-Support in Barangay Development Program ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Sitio Suha, Brgy. San Mateo, Norzagaray, Bulacan kahapon.
Sa isang simpleng programa, sinabi ni DILG Reg. 3 Director Karl Caesar R. Rimando na pinondohan ng nagkakahalagang P20 milyon ang proyekto kabilang na ang Concreting of Farm-to-Market Road, Construction of Two Units of Health Center at Electrification Project.
Mabibigyan rin ang mga residente ng mga hayop na maaaring paramihin at pagkakitaan, mga pataba at mga binhi.
Samantala, pinasalamatan naman ni Gobernador Daniel R. Fernando ang DILG sa pagpili nito sa Brgy. San Mateo bilang isa sa mga benepisyaryo ng programa at pinaalalahanan ang mga Bulakenyo na ingatan at alagaan ang nasabing mga proyekto sa kanilang barangay.
“Lubos ang aking pasasalamat dahil isa ang Brgy. San Mateo sa napiling lugar dito sa Lalawigan ng Bulacan upang isagawa ang Barangay Development Program. Malaking tulong ito sa ating kapwa Bulakenyo sa Norzagaray, umpisa pa lamang ito ng pag-unlad. Karugtong nito, hinihiling ko lamang na ating alagaan at ingatan ang mga proyektong ipinagkaloob sa atin,” anang gobernador.
Itinatag ang Barangay Development Program (BDP) sa layuning maghatid ng kaunlaran sa mga komunidad sa bansa na dati ay may kaguluhan.
-
Tuloy ang paglaban sa ‘Miss Planet International’: HERLENE, nagsimula na ng familiarity workshop kasama ang cast ng serye
CONGRATULATIONS to Kapuso actress Yasmien Kurdi. Kinilala si Yasmien ng Diamond Excellence Awards bilang Outstanding TV Actress of the Year. Instagram post ng pasasalamat ni Yasmien: “It is a great honor for me to receive this award. Maraming salamat Diamond Excellence Awards sa parangal na ibinigay ninyo sa akin bilang “Outstanding […]
-
BRAD & CO-STARS MAKE PIT STOPS TO EUROPEAN CITIES TO PROMOTE “BULLET TRAIN”
THE stars of Bullet Train dazzled in Paris, Berlin and London as the European tour kicked off earlier this week! Check out the photos below of Brad Pitt, Joey King, Aaron Taylor-Johnson and Brian Tyree Henry on the red carpet and photocall events. Watch Bullet Train in cinemas across the Philippines on August 03. Trailer: https://youtu.be/Eku2gerbnMc […]
-
Halos P.2M droga nasabat sa Malabon, Navotas drug bust
HALOS P.2 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng pulisya sa apat na hinihinalang drug personalities na naaresto sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities. Sa report ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito, alas-11:30 ng gabi nang ikasa […]