DILG: Travel pass, hindi na kailangan sa leisure purposes
- Published on June 7, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi na umano kailangan pang kumuha ng travel pass o travel authority kung plano nilang tumawid sa ilang lugar para sa leisure purposes.
Ito, ang sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, matapos na payagan na ng inter-agency task force (IATF) on COVID-19 ang leisure travel mula sa NCR Plus areas, na kinabibilangan ng Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna, patungo sa mga lugar na nasa ilalim na ng modified general community quarantine (MGCQ).
Ayon kay Malaya, ang kailangan na lamang gawin ng mga biyahero ay alamin ang travel requirements o mga guidelines ng local government unit (LGU) kung saan sila pupunta.
“Siyempre naalala ng ating mga kababayan ‘yung proseso last year na meron pang mga travel pass. Ngayon po, wala nang mga travel pass requirement,” pahayag pa ni Malaya, sa Laging Handa press briefing.
“Ang kailangan na lang po alamin ng ating mga kababayan ay kung ano ‘yung pamantayan ng LGU na inyong pupuntahan,” dagdag pa niya.
-
Nagpatibay para harapin ang matitinding pagsubok: MICHELLE at kapatid, naging biktima ng racism sa Amerika
“PEOPLE don’t know that me and my sister, we were the only two Asians in Utah, so we were subject to a lot of racism. “We live in a very small paper town in Utah. So they really didn’t understand Asian culture, didn’t understand why do I have values, why do I […]
-
Puntiryang 10 million COVID 19 test, kayang makuha sa loob ng 1st quarter ng 2021
KUMPIYANSA ang gobyerno na kaya nitong abutin ang 10 milyong target na COVID 19 test sa first quarter ng kasalukuyang taon. Sinabi ni Testing czar at Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon, halos nasa 7 milyon na ang sumalang sa COVID test at base sa kanilang pagtaya ay kaya namang makuha ang 10 million target […]
-
Maalaga na sa mga kapatid kahit noong bata pa: SYLVIA, proud na proud kay RIA sa pagiging hands-on mom kay SABINO
PROUD na proud ang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez sa kanyang anak na si Ria Atayde na hands-on mother sa first baby nila ni Zanjoe Marudo na si Sabino. Sa Instagram post, binahagi ni Sylvia ang photos ng mag-ina at nilagyan niya ito ng caption na… “Even when you were little, while I was […]