• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DILG, tutugisin ang mga nasa likod ng operasyon ng Guerilla POGO

SINABI ni Interior Secretary Juanito Victor ”Jonvic” Remulla Jr. na tutugisin ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga nasa likod ng pagpapatakbo ng mga POGO guerilla operations.

 

 

Ito’y sa kabila ng maaaring ideklara na POGO free ang bansa sa susunod na taon.

 

Subalit ang paglilinaw ni Sec. Remulla, ” Ganito iyan, two parts iyan: all licenses are cancelled – so POGO-free tayo; guerilla operations will flourish but we will go after them.”

 

Nauna rito, nanunsyo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na wala nang makapag-o-operate na Philippine Offshore Gaming Operators o POGOs sa Pilipinas sa pagtatapos ng Disyembre.

 

Ayon kay PAGCOR Chairperson Alejandro Tengco, nagsimua silang ipasara ang mga ilegal na POGO noong manungkulan siya sa puwesto noong 2022.

 

Mula sa 298 na online gambling hubs na nagkakaroon ng operasyon, naging 48 na lamang ito bago pa man ipag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos ang POGO ban.

 

 

Pagsapit din aniya ng November 30, naging 13 na lamang ito.

 

Ani Tengco, pagdating ng December 15 – wala nang POGO.

 

Sa huli, nilinaw ng PAGCOR head na pagpasok ng January 1, 2025, ang mga POGOs na nagpapatuloy pa rin sa kanilang operasyon ay tuluyan nang magiging ilegal dahil sa kanselasyon ng kanilang lisensya.

 

Matatandaang, ipinag-utos ng Malakanyang ang agarang pagbabawal o pag-ban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), internet gaming at iba pang uri ng offshore gaming operation sa bansa.

 

Sa Executive Order No. 74 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na may petsang Nob­yembre 5, 2024, nakasaad dito na hindi papayagan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na aprubahan ang mga bagong lisensya at hindi na rin papayagan ang renewal o extension ng lisensya.

 

Nakasaad din sa EO ang tuluyang paghinto ng operasyon sa Disyembre 31, 2024 o mas maaga pa dito.

 

Inaatasan ang PAOCC, PDEA, PNP, NBI at iba pang law enforcement agencies na palakasin ang kampanya laban sa illegal POGO habang hiniling ang pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor. (Daris Jose)

Other News
  • Napakahusay talagang magpakilig: STELL, single pero ‘forever boyfriend’ na ng mga A’TIN

    NAPAKAHUSAY talagang magpakilig ni Stell Ajero ng SB19, no wonder andaming may crush at nagpapantasya sa kanya.     Sa pinaka-aabangang guesting niya kay King of Talk sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’ ay naitanong rin sa wakas kay Stell ang million-dollar question na nais itanong sa kanya ng marami; ang tungkol sa kanyang lovelife. […]

  • VFA OUT

    NAIPAALAM na ng gobyerno ng Pilipinas sa United- States ang termination ng Visiting Forces Agreement (VFA), magkakabisa ito pagkalipas ng 180 araw makaraang matanggap ang notice.   Kasunod nito ay matitigil na ang pagbisita ng US troops sa bansa para magsagawa ng exercise kasama ang Philippine troops. Nagsimula ang VFA noong 1998. Dalawang dekada na […]

  • Malakanyang, ipinaubaya na sa Kongreso ang isyu ng party-list system

    IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Kongreso ang pagtugon sa concerns ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ukol sa party-list system. Napaulat na ipinanawagan ni Pangulong Duterte ang abolisyon ng party-list system bunsod ng concerns na pinalulusot ng sympathizers ng communist rebels. May ilang mambabatas sa kabilang dako ang nagpahayag na mas magiging madali na amiyendahan ang […]