• July 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DILG, umapela sa mga lokal na pamahalaan na tumulong sa information drive ng SIM registration

NANAWAGAN  ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng mga local government units sa bansa na tumulong sa ginagawang information campaign ng pamahalaan hinggil sa SIM Registration Act sa bansa.

 

 

Sa kabila ito ng kaliwa’t kanang reaksyon at opinyon ng ilan sa ating mga kababayan hinggil sa pagpapatupad ng nasabing batas sa Pilipinas.

 

 

Sa isang pahayag ay hinimok ni Interior Secretar Benjamin Abalos Jr. ang lahat ng mga lokal na pamahalaan na makiisa isa pagpapakalat ng mga benepisyo ng mandatory SIM card registration na alinsunod naman sa Republic Act 11934.

 

 

Ito aniya ay upang matiyak ang kaligtasan ng lahat maging sa online space sa gitna ng mga naglipanang iba’t-ibang cybercrime sa Pilinas.

 

 

Bukod pa dito ay ipinaliwanag din niya na sa pamamagitan ng nasabing batas ay matutulungan aniya ang Philippine National Police, kasama ang iba pang law enforcement agencies na masugpo ang talamak na electronic communication-aided criminal activities sa bansa tulad ng mobile phishing, text spams, online scams, bank frauds, at identity theft.

 

 

Sa pamamagitan kasi aniya nito ay madali nang matutunton ng mga otoridad ang mga indibidwal na gumagawa ng mga nasabing krimen.

 

 

Samantala, kaugnay nito ay nagbabala naman si Abalos na posibleng pagmultahin ng halagang Php100,000 hanggang Php300,000 at makulong mula anim na buwan hanggang dalawang taon ang sinumang magtatangkang magbigay ng pekeng identity at dokumento sa pagpaparehistro sa ilalim ng nasabing batas.

 

 

Habang mahaharap naman sa anim na taong pagkakakulong at multa na Php200,000 ang sinumang mapatunayan na sangkot sa mga krimeng may kinalaman sa cybercrime.

Other News
  • Salamat sa inyong pagtitiwala

    LABIS pasasalamat ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa patuloy na pagtitiwala sa kanya matapos makakuha ng mataas na performance rating batay sa December 2021 survey ng Social Weather Stations (SWS).     “Nakakatuwa po ang patuloy na tiwala na ibinibigay ng ating mga kababayan sa aking kakayahan bilang senador. Nakakaalis po ng pagod […]

  • PNP nagpaalala sa mga biyahero sa minimum health protocols

    PINAALALAHANAN ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na panatilihin ang pagsunod sa minimum health protocols kaugnay ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19.     Ito’y kaugnay ng ­inaasahang pagdagsa ng mga bakasyunista sa mga tourist spots ngayong summer season o panahon ng bakasyon.     Ayon kay Col. Jean Fajardo ng PNP-Public Information Officer, […]

  • Bukod sa inaabangang pagsasamaa sa sitcom: DINGDONG at MARIAN, nag-collaborate sa isang documentary tungkol sa motherhood

    NATUPAD na rin ang matagal nang request ng fans ng Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na mapanood na muling magkasama ang kanilang mga idolo sa isang programa.       Matagal nang working together ang mag-asawa dahil idinidirek ni Dingdong ang mga spiels ng Tadhana, ang OFW documentary hosted by Marian […]