DINGDONG, aminadong miss na muling sumabak sa lock-in taping dahil almost a year nang walang bagong project
- Published on June 16, 2021
- by @peoplesbalita
MISS na raw ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, na muling sumabak sa lock-in taping para sa bagong project na gagawin niya sa GMA Network.
Kung matatandaan si Dingdong at ang cast ng Descendants of the Sun ang unang sumabak sa lock-in taping noong bago pa lamang umiral ang community quarantine dahil sa Covid-19 virus. Kaya almost a year na ring hindi gumagawa ng bagong project si Dingdong.
Kaya nagpapasalamat siya na tuluy-tuloy pa rin ang paggawa niya ng mga episodes ng Amazing Earth na may tatlong special episodes sa pag-celebrate nila ng 3rd anniversary nito, na nagsimula last Sunday, June 13, sa bago rin nitong timeslot, 7:40PM.
May dalawa pang Sundays, June 20 at June 27, na may mga special guests sila sa bawat episode. Unang nakasama ni Dingdong sa Pasig Mayor Vico Sotto.
Inamin naman ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, na nagpapasalamat siya sa GMA Network na ibinalik ang Pinoy adaptation ng Korean drama na Autumn in My Heart na pinamagatang Endless Love na pinagtambalan din nilang mag-asawa.
Ngayon daw ay sabay pa rin nilang pinapanood ni Dingdong ang serye na ipinalabas pa noong 2004.
This week ay mapapanood na sila gabi-gabi pagkatapos ng First Yaya, bago ang finale week ng Heartful Cafe nina Julie Anne San Jose at David Licauco, sa GMA-7.
***
LUMIPAT pala ng talent management si Kapuso actress Jasmine Curtis-Smith.
Nasa Crown Artist Management ni Maja Salvador na si Jasmine mula sa Vidanes Talent Agency ni Betchay Vidanes.
Matagal na rin si Jasmine sa said talent agency na kasamang mina-manage si Robin Padilla at iba pang kapatid nito, ganoon din si Mikael Daez, kaya maraming nagulat nang mag-post si Jasmine sa kanyang Instagram account ng: “And suddenly you know: it’s time to start something new and trust the magic of new beginnings – Meister Eckhart. To new beginnings at @crownartistmgmt.”
Meanwhile, muling babalik sa lock-in taping sina Jasmine, Alden Richards, Tom Rodriguez, at buong cast ng teleserye.
Sa Instagram post ni Jasmine: “been such a fun and light working environment on the set of ‘TheWorldBetweenUs,’ and I’m very happy to be sharing our teaser with you all!”
Umaabot na sa more than 82 thousand views ang teaser after wala pang one day na nai-post ito ni Jasmine.
Sa direksyon ni Dominic Zapata, malapit na ang airing nito sa GMA Telebabad, sa July, ipapalit sila sa romantic-comedy series na First Yaya.
***
NATUWA ang mga fans ng Prima Donnas na sina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo nang makitang kasama na sa mga upcoming teleseryes ng GMA Network na gagawin this year ang book two ng Prima Donnas.
Nangangahulugan din iyon na mabubuo na sina Mayi (Jillian Ward), Ella (Althea Ablan) at Lenlen (Sofia Pablo), dahil pwede nang magtrabaho si Sofia.
(NORA V. CALDERON)
-
PBBM, pinalagan ang ginawang pagbabanta ni VP Sara
PINALAGAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nakababahalang mga pahayag na narinig ng sambayanang Filipino mula kay Vice-President Sara Duterte nitong mga nakaraang araw. Sa naging mensahe ng Pangulo, sinabi nito na nakababahala ang mga pahayag na binitiwan ni VP Sara sabay sabing “Yang ganyang kriminal na pagtatangka ay hindi dapat pinalalampas.” […]
-
Naka-focus na uli ngayon sa karakter sa serye: ALDEN, ‘di makapaniwalang tapos na ang movie nila ni KATHRYN
NAGBALIK na si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa set ng GMA Prime series na Pulang Araw. Halos isang buwan siyang nawala rito para naman i-shoot ang kanyang upcoming movie na Hello, Love, Again sa Canada. Dumaan din siya ng Amerika para maging bahagi ng Sparkle World Tour. […]
-
Grizzlies sinibak ang Wolves
WINAKASAN ng Grizzlies ang kanilang first-round series ng karibal na Minnesota Timberwolves matapos angkinin ang 114-106 panalo sa Game Six papasok sa Western Conference semifinal round. Lalabanan ng Memphis sa best-of-seven semifinals series sina ‘Splash Brothers’ Stephen Curry at Klay Thompson at ang Golden State Warriors, ang NBA champions noong 2015, 2017 at […]