• March 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DINGDONG, natupad na ang dream na mag-provide ng education-to-livelihood opportunity

NOONG May 1, Labor Day, natupad na ang dream ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na mag-provide ng education-to-livelihood opportunity, sa pamamagitan ng pagtutulungan nila ng kanyang YesPinoy Foundation at Rotary Club of Makati, para mag-train at magturo sa mga Pandemic-affected workers, engaged as Partner Riders by Dingdong.

 

 

Sa pamamagitan ng partnership ng Wheels@55 Program, ang Dingdong Partner Riders ay pwedeng mag-loan ng quality motorcycle na ZERO  and downpayment at ZERO interest.

 

 

    “Through the generosity of the Rotary Club of Makati and the leadership of RCM President Peter Manzano, we will be able to help our Rider Beneficiaries perform their jobs better, and sustain their livelihood to continue supporting themselves, their families and their community.” 

 

 

Congratulations Dingdong!

 

 

***

 

 

     LABIS ang pasasalamat nina Ramon “Bong” Revilla Jr. at Sanya Lopez, mga bida ng bagong action-packed fantasy-drama series na Agimat ng Agila dahil sa magandang response ng mga televiewers nang mag-world premiere sila nito last Saturday, May 1.

 

 

Hindi naman magiging problema kay Sanya na magkaroon siya ng conflict sa taping ng Agimat ng Agila dahil nakapag-tape na siya ng mga eksena niya noon pa bago naman siya nagsimula ng lock-in taping sa isa pa niyang teleserye, ang romantic-comedy series na First Yaya.

 

 

Kaya libre na si Sanya at ngayon ay nasa 4th lock-in taping na siya (na sabi’y aabutin pa sila ng one month), ng top-rating primetime show nila ni Gabby Concepcion. 

 

 

Mas excited ngayon ang mga netizens na sumusubaybay sa kanila dahil masaya silang mas pinili na  ni President Glenn Acosta (PGA) si Yaya Melody kaysa sa suplada at mataray na si Lorraine, played by Maxine Medina. 

 

 

Pero papayag ba naman si Lorraine na matalo siya ng tinatawag niyang “Maid Melody?” Ang isa pang tanong, tatanggapin ba ng mga anak ni PGA si Yaya Melody na kapalit ng kanilang Mama Christine?

 

 

Patuloy nating subaybayan ang First Yaya gabi-gabi sa GMA-7 after 24 Oras.

 

 

***

 

 

MUKHANG tuluy-tuloy ang pagpapakilig ng GMA new love team na sina Cassy Legaspi at JD Domagoso, dahil tanggap na tanggap ng mga sumusubaybay ng First Yaya ang kanilang away-bati characters sa romantic-comedy series.

 

 

Natuwa ang mga netizens nang mag-share sila ng series of photos looking like royalty and obviously enjoying each other’s company, with smiles from ear-to-ear, ala-Frozen sa kani-kanilang Instagram posts, na may two “Sandwiches” at caption na “we finish each other’s sandwiches” is a famous line from the song “Love Is An Open Door” from the movie.

 

 

Nakakuha nang hundreds of comments ang posts nila mula sa kanilang mga fans noticing their Frozen reference and expressing their fondness for the two.

 

 

Cassy play the role of Nina Acosta, na anak ni President Glenn Acosta.  Si JD naman ay ang orphan na si Jonas, magkaklase sila sa school. Noong una ay tinaray-tarayan ni Nina si Jonas na alaga rin naman siyang asarin.

 

 

Pero ngayon ay nababago na ang pagtingin nila sa isa’t isa at lagi silang magkatulong sa mga projects assigned to them.

 

 

Tuluyan na bang mabago ang pagkilala ni Cassy kay Jonas, sa kabila na anak siya ng president ng Pilipinas?

 

 

Ang First Yaya ay dinidirek ni LA Madridejos. (NORA CALDERON)

Other News
  • Hinihintay nila ang tamang panahon: CHRISTIAN, ‘di napi-pressure na magkaanak sila ni KAT

    HANDA na raw magkaroon ng baby ang aktres na si Jenny Miller kahit wala siyang partner sa buhay ngayon.     Mag-turn 43 na si Jenny sa February 5 at naisip na raw niyang magkaroon ng baby niya dahil halos lahat daw ng mga kaibigan niya ay may mga anak na.     “I decided to […]

  • No. 3 most wanted person ng NPD, nadakma ng Valenzuela police sa Pasay

    WALANG kawala ang 29-anyos na lalaki na tinaguriang No. 3 most wanted sa Northern Police District (NPD) matapos madakma sa ikinasang manhunt operation ng mga tauhan ng Valenzuela police sa Pasay City.     Kinilala ni P/Lt. Robin Santos, hepe ng Valenzuela Police Warrant and Subpoena Section (WSS) ang naarestong akusado na si Nelvin Aure […]

  • US tennis star Coco Gauff hindi makakapaglaro sa Olympics matapos magpositibo sa COVID-19

    Hindi na makakapaglaro sa Tokyo Olympics si American tennis player Coco Gauff matapos na ito ay magpositibo sa COVID-19.     Ayon sa 17-anyos na US tennis player na labis ito ng nadismaya matapos na malaman na positibo ito sa nasabing virus.     Matagal aniya na pangarap niyang maglaro sa Olympics subalit hindi na […]