• May 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DINGDONG, sinamahan at all-out ang suporta sa pagiging hurado ni MARIAN sa ‘Miss Universe’

ALAS-ONSE ng gabi noong December 6 ang naging flight ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, kasama rin ang kanyang mister, ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na lumipad papuntang Eilat, Israel.

 

 

Kasama rin ang kanyang glam team  na pinangungunahan ni Steven Doloso at ilang staff ng Triple A.

 

 

All-out ang suporta ni Dingdong kay Marian na ayon kay Yan, ang una niyang sinabihan nang malaman niya na kinukuha siya ng Miss Universe organization na maging isa sa miyembro ng selection committee.

 

 

Sa Instagram post nga ni Dingdong ay pinagsisigawan nito gaano siya ka-proud kay Marian at ito raw ang kanyang Miss Universe.

 

 

Pinost din ni Dingdong ang sagot ng kanyang misis tungkol sa pamba-bash dito sa pagsasalita niya ng English.

 

 

     “Siguro aaminin ko, para sa akin, minsan lang kasi mabigyan ang isang tao ng ganito kahalagang gagampanan mo sa isang Miss U na kunsaan ay napakahalagang okasyon na magsasama-sama ang lahat. Para sa akin, isang malaking karangalan ito.

 

 

At sabi rin niya, “At siyempre, bukod do’n, aaminin ko na hindi naman talaga English ang first language ko kung hindi Filipino.

 

 

     “At kinuha nila ako dahil sa aking body of work bilang isang Filipina at ang masasabi ko lang, kilala niyo naman ako. Hindi naman ako mapagpanggap, ‘di ba?

 

 

      “So, i-eexpress ko ang sarili ko na naaayon sa nararamdaman ko sa araw na ‘yan.”

 

 

Sa isang banda, mukhang parehong first time nilang dalawa sa Israel.

 

 

***

 

 

DEPENDE raw para kay Barbie Imperial ang live-in.

 

 

      “Depende sa dalawang taong magli-live-in talaga. Kasi may kakilala ako na nang mag-live-in sila, mas nag-work ang relationship nila. Meron naman na na-realized nila na hindi sila nag-work.

 

 

      “So depende talaga.”

 

 

Para naman kay Diego Loyzaga, naniniwala raw siya na dapat ay merong trial period. Hindi raw ‘yung biglaan.

 

 

So tingin namin, more on sleep-over ang peg ni Diego.

 

 

“Pwedeng this week, sleep muna siya doon, then next week sleep siya dito. Parang progressive, hindi biglaan.”

 

 

Ang kuwento ng kanilang movie na mapapanood na rin sa Vivamax simula sa December 10, ang Dulo ay may live-in set-up sila.

 

 

Pareho naman din sina Barbie at Diego na aiming sa kanilang controversial relationship na hanggang Dulo na nga sila.

 

 

***

 

 

SAMPUNG taon ng Kapuso si Sef Cadayona at kaka-renew lang niyang muli ng kanyang kontrata sa GMA Artst Center.

 

 

Napatunayan daw ni Sef sa sarili niya ang “Dream, Believe, Survive” ng StarStruck kunsaan nagsimula ang journey niya.

 

 

Very grateful si Sef sa GMA-7 na talaga namang na-uncover ang mga talento niya lalo na sa pagpapatawa at maging sa creative side. Kaya naman nga even si Michael V ay obvious ang tiwala sa kanya.

 

 

From Bubble Gang to Pepito Manaloto Ang Unang Kuwento kunsaan, siya ang gumanap na young Michael V.

 

 

Sa isang banda, makulay ang mga past relationships ni Sef kunsaan, na-link o nagkaroon ito ng relasyon sa ilang naggagandahan at nagseseksihang aktres mula kay Yassi Pressman, Andrea Torres at Maine Mendoza.

 

 

Cliché man daw sabihin, pero sa ngayon, wala raw siyang time sa lovelife so sinasabi nitong zero o single siya.

 

 

Tawa naman nang tawa si Sef nang sabihin namin ang tungkol sa mga ex-girlfriends niya at kumustahin kung sila ba ni Andrea e, naging okay na after nilang mag-break at bilang tulad niya, single na rin itong muli.

 

 

Sabi naman ni Sef, “Baka hindi lang din kasi alam ng karamihan but we turned out also to be good friends. Hindi naman napuputol ang communication namin. Ang saya pala no’n na kapag nagkikita kami, hindi lang sa GMA kahit sa labas, nando’n ‘yung respeto, kumusta.. may gano’n pa rin, hindi siya nawawala.”

 

 

Grateful daw siya sa kung ano ang meron sila ni Andrea ngayon.  Pero ayaw raw niyang sabihin kung hanggang doon na lang or what sila, pero sey niya, “We had our fair share ng talaga nga naman na kaming dalawa.

 

 

      “It’s time to move forward,” nakangiting sabi niya.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Netizens, tuwang-tuwa sa ginawang pagpapakumbaba: SHARON, nakipag-ayos at reunited na kina TITO SEN, HELEN at mga pinsan

    NAGANAP na rin ang reconciliation sa pagitan nina Megastar Sharon Cuneta at ng mag-asawa na si Senator Tito Sotto at veteran actress na si Helen Gamboa pagkatapos na lumamlam na ang ‘election fever’.     Last June 11, nag-post si Sharon ng series of photos kasama ang kanyang Tito Sen at Tita Helen, at mga […]

  • Sobrang grateful na, win or lose: KATHRYN, ‘di nag-e-expect sa kahit anong nomination

    KINUMPIRMA sa amin ng isang ABS-CBN insider ang pagbabalik Star Cinema ng aktres na si Kim Chiu.  Gagawa muli ng isang bagong pelikula ang aktres. Matagal-tagal na ring hindi nakagawa ng movie si Kim under Star Cinema kaya for sure matutuwa ang mg tagahanga ng aktres. Ang huling pelikula ni Kim under Star Cinema ay […]

  • Higit P53 bilyong cash loans pinautang ng Pag-IBIG noong 2022

    UMABOT sa P53 bil­yong short-term loans na tinatawag ding cash loans ang ipinautang ng Pag-IBIG Funds noong nakaraang taon.     Sa Laging Handa public briefing, inihayag ni Jack Jacinto, Department Ma­nager for Public Media Affairs ng Pag-IBIG Fund, na kabilang din sa nasabing pautang ang Multi-Purpose Loan at Calamity Loan.     Nasa 2.6 […]