DINGDONG, susunod na leading man ni BEAUTY sa isa pang mini-series; balik-tambalan nila ni MARIAN inaabangan pa rin
- Published on October 29, 2021
- by @peoplesbalita
BONGGA si Beauty Gonzalez dahil ang susunod niyang leading man sa GMA Network ay walang-iba kung hindi ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.
Pagkatapos nga niyang gawin ang Stories from the Heart, si Dingdong naman ang magiging leading man ni Beauty. Pero hindi pa raw ito ‘yung full-length teleserye talaga, instead, para siyang mini-series.
Ngayong taon na rin ito gagawin dahil ang balita rin namin, by next year naman ang talagang full-length serye na naka-line-up for Dingdong. So far, wala pang confirm na leading lady at pag-uusapan pa rin kung ano ang gagawin niya.
Sa isang banda, bakit hindi na lang Dingdong-Marian Rivera teleserye na siyang hudyat na rin ng pagbabalik ni Marian sa serye?
Kung lock-in scenario pa rin ng time na ‘yun, baka mas madali ang adjustment bilang mag-asawa na sila, magkasama sa isang bahay.
Sigurado rin, sobra itong ikatutuwa ng mga DongYan fans.
***
IPINOST ni James Reid ang picture ng bawat bahagi ng bahay niya na talaga naman ang ganda.
Si James na nga ang nag-post kaya kumpirmado ng binebenta niya ang kanyang mansion sa Quezon City.
Nasa more than 80 million daw ang halaga nito. Bukod sa malaki ang bahay, may swimming pool din.
Sabi ni James, “My house is for sale! Loyola Grand Villas, Katipunan. Slide for more pics. Contant my assistant Penelope for more details on +639278369466.”
Nang makita namin ang post na ito ni James, unang pumasok sa isipan namin ay ang ex-girlfriend niya na si Nadine Lustre.
Dahil nag-live-in silang dalawa at matagal na nagsama sa bahay, ang makalimutan na kaya ang mga memories nila na magkasama sa bahay ang isa sa dahilan ni James kaya binebenta na niya ito?
Nang basahin nga namin ang mga comments, halos pareho rin ang naiisip ng mga netizens at fans nila.
Sabi ng ilang comments, “Naiiyak ako. Parang lahat ng anggulo may pic si Nadz.”
“No more Jadine na ba talaga?”
“I’m broken hearted the loveteam that I was so proud of and believe on our forever…”
“Halos lahat ng pics ni Nadine nandito.”
(ROSE GARCIA)
-
LTO: MAHIGIT 639,000 NA MOTORISTA NAHULI, HIGIT SA 29,000 NA SASAKYAN NA-IMPOUND NOONG 2024
NAITALA ng Land Transportation Office (LTO) ang kabuuang 639,323 motorista na nahuli dahil sa iba’t ibang paglabag noong 2024, na nagpapakita ng pagtaas ng 20.75% kumpara sa parehong panahon noong 2023, ayon sa inilabas na pahayag ng LTO noong Biyernes, Enero 3. Iniuugnay ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang […]
-
Nora, parang alak na sumasarap habang tumatagal
UNANG pagkakataon na makakasali ni Direk Adolfo Alix, Jr. sa mainstream section Metro Manila Film Festival via Coming Home, produced by Maverick Films at pinagbibidahan nina former senator Jinggoy Estrada at award-winning actress Ms. Sylvia Sanchez. Pero years ago ay nakasali siya sa Indie Wave New Section where his film Presa won Best Picture. […]
-
‘Secret Headquarters’ First Trailer Reveals Owen Wilson In An Iron Man-Like Superhero
THE first trailer for Secret Headquarters reveals Owen Wilson in an Iron Man-like supersuit trying to protect Earth and be a father at the same time. Wilson is joined by a cast that includes The Adam Project’s Walker Scobell, Michael Peña, Jesse Williams, Keith L. Williams, Momona Tamada, Abby James Witherspoon, and Kezii […]