• September 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Diokno, ipinagkibit-balikat ang panawagan na magbitiw sa puwesto, binati ang mga kritiko ng “Have a wonderful weekend!”

IPINAGKIBIT- balikat lang ni Finance Secretary Benjamin E. Diokno ang panawagan ng grupo ng mga magsasaka na magbitiw sila sa puwesto ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan. 

 

Ang apela ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ay matapos na ipanukala nina Diokno at Balisacan na tapyasan ang tariff rate sa rice imports bilang tugon sa sumirit na presyo ng mga pangunahing pagkain.

 

Sa halip na mapikon ay binati ni Diokno ang kanyang mga kritiko ng “Have a wonderful weekend!”

 

Si Diokno, kasama ng Pangulo sa Singapore, ay piniling huwag patulan ang panawagan sa kanila ni Balisacan na umalis sa puwesto.

 

Nauna rito, sinabi ni SINAG Executive Director Jayson Cainglet sa isang kalatas na “Today, we stand together to oppose, in the strongest terms, the efforts of Secretaries Diokno and Balisacan to serve the death sentence on rice farmers and other industry stakeholders by cutting or eliminating tariffs – our last refuge.”

 

“The petition at hand is not for the welfare of consumers. Any claims about consumer benefits are at best, debatable. In reality, they are doormats to a sinister agenda. The rice farmers are the intended victims of the petition,” dagdag na pahayag nito.

 

Matatandaang, sinabi ni Diokno na inirekomenda ng economic team ang pansamantalang pagbabawas sa kasalukuyang 35% rice import tariff rates para tugunan ang tumataas na presyo ng bigas.

 

“The proposed reduction would range from zero percent to 10 percent for both ASEAN and the most-favored nation (MFN),” ayon kay Diokno.

 

Tinuran naman ni Balisacan na kinokonsidera ng pamahalaan ang pagbabawas sa import tariffs para sa bigas  bilang hakbang para tugunan ang tumaas na presyo ng pangunahing pagkain.

 

Nanawagan naman si Balisacan ng masusing pag-aaral para sa 35% na taripa sa bigas para magawang matapyasan ang consumer costs  habang kinokonsidera ang epekto sa local producers.

 

“To partially counterbalance the rise in global prices and alleviate the impact on consumers and households, we may implement a temporary and calibrated reduction in tariffs,” ang pahayag ni Balisacan.

 

Nito lamang Agosto, tumaas ang inflation rate para sa bigas ng 8.7% mula sa 4.2% noong Hulyo bunsod ng  lower grain output dahil sa El Niño at export bans na ipinatupad ng  mga pangunahing  rice exporters gaya ng India at Myanmar.  (Daris Jose)

Other News
  • COVID cases sa PH nasa 1.4-M na, 4,289 bagong mga nadagdag na kaso

    Bahagyang mataas ngayon ang naitalang bagong dagdag na kaso ng COVID-19 sa pilipinas kumpara nitong nakalipas na Martes.     Ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) nasa 4,289 ang nadagdagan ngayon na nahawa sa virus kaya sa kabuuan sa buong Pilipinas mula noong nakalipas na taon ay nasa 1,450,110 na.     Bahagya […]

  • DOST-FNRI launches ‘new variant’ of enhanced nutribun made of carrots

    The Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) launched its newest innovation: an enhanced nutribun made of carrots.     “Carrots is like a squash and other colored fruits and vegetables that contain beta carotene. (Beta carotene) when ingested will be metabolized to vitamin A that helps keeps the eye healthy, and […]

  • Nagbahagi ng mga pinagdaraanan sa pagbubuntis: KRIS, pinatulan ang netizen na nag-comment ng, ‘blessing yan, parang pinagsisihan mo?’

    MARAMING naloka at nag-react sa latest Instagram post ni Kris Bernal tungkol sa kanyang pagbubuntis.     Ipinost nga ng aktres ang isang video na kung saan twenty-six weeks na siyang nagdadalang-tao. Ipinakita niya ang lumalaking baby bump at nakasuot pa siya ng pink bikini.     Caption ni Kris, “Same fit but add another […]