Diplomatic protest vs China, pwedeng araw-arawin – DFA
- Published on April 8, 2021
- by @peoplesbalita
Nakahanda ang Department of Foreign Affairs (DFA) na araw-arawin ang paghahain ng diplomatic protest, kung patuloy na maaantala ang pag-alis ng mga barko ng China sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea.
Ayon sa dalawang pahinang pahayag ng ahensya, sa kada araw ng pananatili ng mga dayuhang barko, ipoprotesta nila ito para igiit ang pagmamay-ari sa nasabing bahagi ng karagatan, lalo’t pasok ito sa exclusive economic zone (EEZ).
“For every day of delay, the Republic of the Philippines will lodge a diplomatic protest,” saad ng pahayag mula sa DFA.
Samantala, ipinatawag din DFA ang mga opisyal ng Chinese embassy dahil sa mga pahayag na umano’y “unprofessional” si Defense Secretary Delfin Lorenzana kaugnay sa isyu ng pagpapaalis sa mga barkong nasa loob ng Philippine territory.
Pinaalalahanan ng DFA ang mga opisyal ng embahada na sila ay bisita lang ng gobyerno ng Pilipinas at bilang mga bisita ay dapat sumunod sila sa protocol na naaayon sa respeto sa mga opisyal ng bansa.
-
Marburg virus, mas nakahahawang BA.2.75 subvariant, nagbabanta rin sa Pinas
NAGBABALA si infectious health expert Dr. Rontgene Solante sa banta ng bagong Marbug virus at mas nakahahawang Omicron BA.2.75 subvariant na posibleng makapasok sa Pilipinas. Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Solante na kailangang maghanda na agad ang pamahalaan ng Pilipinas sa pag-contain sa Marburg virus katulad ng ginawang paghahanda kontra Ebola virus […]
-
Maling pagkakilanlan sa Pilipinong OFW, dapat managot
IGINIIT ng isang mambabatas na panagutin yaong nagkamali sa pagkakilanlan o misidentified na nasawing OFW sa Kuwait. Nanawagan din si Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ng masusing imbestigasyon sa kaso ni Overseas Filipino Worker Jenny Sanchez Alvarado, na umanoy napagpalit ang bangkay sa isang Nepali domestic worker na namatay din […]
-
Tugon sa trending sa FB na #wagkalimutanyungbinulsang 15BsaPhilhealthChallenge
NANANATILI ang posisyon ng pamahalaan na panagutin ang mga tiwaling opisyal ng Philippine Health Corporation (PhilHealth) na sangkot sa katiwalian sa state insurer. “There is no let-up in our drive to make erring officials of the Philippine Health Corporation (PhilHealth) accountable for their alleged misdeeds,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque bilang tugon sa […]