• July 17, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DIRECT SUNLIGHT, WALANG EBIDENSIYA NA NAKAMAMATAY NG CORONA VIRUS

WALA  pang ebidensya na ang “direct sunlight” ay nakamamatay ng virus ng coronavirus disease.

 

Ito ang sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire,  sa umano’y muling paggamit ng mga surgical mask matapos itong ibilad sa araw upang mamatay umano ang virus.

 

“Wala pang ebidensya na nakakapagbigay sa atin kung ito ba ay naapektuhan ng weather, kung malamig o mainit ..kung direct sunlight o hindi”, ayon pa kay Vergeire.

 

“Ito pong praktis natin na nagbibilad sa araw ..direct sunlight kasi po ang ibang organismo talaga sa  direct sunlight namamatay pero dito sa COVID-19 , itong SARS-CoV virus hanggang sa ngayon wala pa tayong ebidensya for that”, ayon pa kay Vergeire sa Dobol B.

 

Nilinaw din ng opisyal na ang mga medical grade o surgical mask  ay mga disposable mask at kapag nabasa o nadumihan na ay kailangan nang palitan.

 

Kahit nga  hindi pa natapos ang araw kung ito ay nadumihan na at nabasa, kailangan na pong palitan na natin dahil baka mas mahawa pa kayo kung ginagamit ng paulit-ulit”, dagdag pa nito.

 

Mas mainam na rin aniyang gumamit na lamang ng “cloth mask” dahil ito ay maaring labhan at muling magamit .

 

Paalala din ni Vergeire na mahalaga na may suot na facemask at faceshield  at isinusuot ng maayos upang maproteksyunan laban sa virus . (GENE ADSUARA)