• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Direktor ng PDEA-NCR, sinibak dahil sa Taguig drug-bust

IPINAG-UTOS  ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Moro Virgilio Lazo ang pagsibak sa puwesto sa direktor ng PDEA-National Capital Region (NCR) kasunod na rin ng pagkakaaresto sa isang mataas na opisyal ng tanggapan, dalawang ahente nito at isang driver, sa isang drug buy-bust operation sa Taguig City kamakailan.

 

 

Sa isang pulong balitaan kahapon, na idinaos sa National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, inianunsiyo ni Lazo ang pag-relieved sa puwesto kay PDEA-NCR director Christian Frivaldo. Siya ay papalitan sa puwesto ni Emerson Rosales, na dating direktor ng PDEA-Western Visayas.

 

 

Samantala, sinabi rin ni Lazo na ang lahat ng iba pang personnel ng Southern District Office ay ni-recall na rin bilang resulta ng buy-bust.

 

 

Sinabi naman ni PDEA spokesman Derrick Carreon na si Frivaldo ay sinibak dahil sa command responsibility.

 

 

“If there are incidents like that, (a PDEA official) is getting relieved administratively. It’s not because he is facing a case but because of the incident. Its normal to be relieved from a post,” dagdag ni Carreon.

 

 

Matatandaang kamakailan inaresto ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Taguig, ang director ng Southern District Office ng PDEA-NCR, gayundin ang dalawang ahente at driver nito.

 

 

Nakumpiska mula sa mga suspek na sina SDO director Enrique Lucero, PDEA agents Anthony Vic Alabastro at Jaireh Llaguno, at driver ni Lucero na si Mark Warren Mallo, ang may 1.35 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P9.18 milyon,  buy-bust money, apat na baril at isang digital weighing scale. (Gene Adsuara)

Other News
  • Sec. Roque, naka-isolate sa bahay

    ISINAPUBLIKO ni Presidential spokesperson Harry Roque na naka-isolate siya ngayon sa kanyang bahay.   Nilinaw ni Sec. Roque na  nagpositibo kasi sa Covid- 19 ang kanyang security detail kaya’t kahit wala naman aniya siyang sintomas ay kailangan niyang sumunod sa protocol. ” Nagka-positive po ang aking security  detail. Wala naman po akong  sintomas but i’m […]

  • PDu30, inaasahan na magagampanan ni Gen. Cascolan ang 3 task sa panahon ng termino nito

    INAASAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa na magagampanan ni   incoming Philippine National Police chief Police Lieutenant General Camilo Pancratius Cascolan ang tatlong atas sa panahon ng kanyang termino.   Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na kailangan na panindigan ni Cascolan ang rule of law, alisin ang mga kurakot na pulis at panatilihin ang laban sa […]

  • GABBI, ipinamalas ang husay sa pagiging licensed scuba diver

    MAY pandemic man, hindi ito naging hadlang para makatanggap ng sunud-sunod na blessings sa career at personal life si Kapuso Global Endorser Gabbi Garcia.   Blessed talaga si Gabbi dahil bukod sa endorsements na nakukuha ay lalong tumatatag ang kanyang relasyon kay Khalil Ramos.   Kaya ba blooming na bloom- ing ang aura ni Gabbi […]