• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Diskriminasyon laban sa mga estudyanteng Moro, kinondena

KINONDENA ng mga Muslim na mambabatas ang hinihinalang profiling ng Philippine National Police (PNP) sa mga mag-aaral na Muslim at inilarawan ito bilang lantad na uri ng diskriminasyon.

 

Isang talaan ang pupunan ng mga ito ukol sa detalye ng bawat estudyante tulad ng grade level, gender at total na bilang ng Muslim students sa area of responsibility ng station commander.

 

“Maling mali ito. Profiling has no place in a nation that respects and draws strength from the diverse beliefs of its people. Guilt by association is wrong, and sometimes fatal,” pahayag ni Deputy Speaker Mujiv Hataman, na mula Basilan.

 

Naglabas ng pahayag si Hataman at Anak Mindanao party-list Rep. Amihilda Sangcopan na may kaugnayan sa hakbang ng PNP na magkaroon ng updated na listahan ng mga mag-aaral na Muslim sa sekondarya, colleges at universities sa Metro Manila, kung saan sinabi niyang epektibong inilagay sa watchlist ang mga batang Muslim.
“Baseless stereotyping can end in lethal results,” giit ni Hataman. “What is sad is that this is an official directive, and aimed at children at that.”

 

Itinanggi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major General Debold Sinas na nagsasagawa ang mga ito ng profiling sa mga mag-aaral at sa halip ay kinukuha lamang nila ang statistics sa bilang ng mga mag-aaral na Muslim sa sekondarya at kolehiyo “in order to conduct interventions and programs in strengthening Salaam Police [Center].”

 

Binigyang-diin ni Hataman na isa sa mga “greatest failures of police intelligence ” sa kasaysayan ang typecasting sa mga Muslim bilang posibleng terorista at paglista sa mga pangalan nito para sa posibleng watchlist.

 

“Kung ikaw ay isang law-abiding Muslim, masakit po ang ganitong paratang. Parang tinokhang ang reputasyon ng mga Pilipinong Muslim. Suportado at mahal namin ang ating kapulisan na kahit sa dami ng nasasangkot sa kanila sa krimen ay ni minsan ay hindi namin sinabi na lahat ng pulis ay masama,” katuwiran ni Hataman.

 

Sinabi naman ni Sangcopan, sa kanyang parte, na isa sa mga “evils” ang naturang direktiba ng pulisya na nais nilang iwasan nang ihain niya at ni Hataman ang House Bill No. 1579 o An Act Prohibiting Racial, Ethnic and Religious Discrimination, na ngayon ay nakabinbin sa House Committee on Human Rights.

 

“These are practically children who also struggle with the ills of discrimination in their own schools,” aniya. “Tapos dadagdagan pa natin ng ganitong klaseng profiling? If you are a Muslim student, how would knowing that your name is in a police list somewhere make you feel? I am certain no good will come out of this.” (Ara Romero)

Other News
  • 10 kilo ng marijuana huli ng PDEA sa terminal ng bus sa Kyusi

    ARESTADO ang isang lalaki matapos na kunin nito ang pinadalang sa kanya na package sa isang terminal ng bus sa Cubao Q.C. Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang naaretsong lalake na si Karlo Jose Pio Ricafrente tubong Albay pero naninirahan ngayon sa Maynila.   Ayon sa PDEA matagal na nila isinailalaim sa surveillane […]

  • Malabon, nakahanda sa bagyong “Nika”

    NAKAHANDA ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa posibleng banta na dala ng Tropical Storm “Nika” at sa iba pang kalamidad, kasabay ng pagtanggap nito ng mga bagong rescue boats mula sa Mang Ondoy Rescue Hub.   Pinangunahan ni Mayor Jeannie Sandoval at Konsehal Edward Nolasco ang pagtanggap ng 21 rescue boats, kabilang rito ang isang […]

  • World Bank, inaprubahan ang $600-M loan para suportahan ang mga magsasaka at mangingisda sa Pinas

    INAPRUBAHAN ng World Bank (WB)  ang  $600 million (₱33.2 bilyong piso) loan  nakatuon tungo sa pagtaas  ng market access at income  para sa  mahigit sa half a million na mangingisdang Filipino.     Almost 60% of the poor work in agriculture in the Philippines, so accelerating the growth of agriculture and fishery is vital for […]