Djokovic hindi na tinapos ang semis ng Australian Open dahil sa injury
- Published on January 27, 2025
- by Peoples Balita
NATAPOS na ang paghahangad ni Serbian tennis star Novak Djokovic na makuha ang pang-25 na grand slam title.
Maaga kasi itong nag-retire sa semifinals ng Australian Open dahil sa injury sa kaniyang kaliwang hita.
Tinapos pa ni Djokovic ang unang set laban kay world number 2 na si Alexander Zverev kung saan natalo siya sa 7-6(5) sa laro na tumagal ng isang oras at 21 minuto.
Nagulat na lamang ang mga audience ng magkamayan na ang dalawa hanggang tuluyang umalis na sa court si Djokovic.
Pinasalamatan ni Zverev ang mga nanood dahil hindi sila nagalit kay Djokovic matapos na hindi tinapos ang laro.
Hiniling na lamang nito sa audience ng pagrespeto na lamang kay Djokovic dahil sa binigay nito ang lahat ng makakaya.
Magugunitang nakapasok sa semifinals ng Australian Open si Djokovic matapos na talunin niya si Carlos Alcaraz kung saan nag-medical time out siya dahil sa injury.
-
Pagdinig sa ABS-CBN franchise renewal, gugulong na sa Kamara
TATALAKAYIN na ng House committee on legislative franchise ang mga panukalang batas pagdating sa pagbabago ng prangkisa ng ABS-CBN Corp., sa susunod na Martes ganap na ala-una ng hapon sa Belmonte Hall ng South Wing Annex. Kasama sa mga tatalakayin ng panel sa ika-10 ng Marso ay ang 11 nakatenggang panukala pagdating sa renewal […]
-
Pinas, puntirya na makakuha ng 202 million doses ng COVID-19 vaccines
MULA sa inisyal na target na 148 milyon ay puntirya na ngayon ng Pilipinas na makakuha ng 202 million doses ng COVID-19 vaccines. Sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. na target na ng bansang bumili ng 158 million doses at tumanggap ng dagdag na 44 million doses mula sa Covax Global vaccine sharing […]
-
‘Halos kalahati’: Pamilyang Pinoy na naniniwalang mahirap sila sumirit sa 48% — SWS
LALONG tumaas sa 48% ang bilang ng pamilyang Pinoy na nagsasabing sila’y naghihirap kahit nagbalik na ang halos lahat ng trabaho at establisyamento ngayong pandemya, ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS). ‘Yan ang napag-alaman ng SWS sa kanilang face-to-face interviews sa 1,500 katao sa buong Pilipinas na siyang ikinasa noong […]