• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Djokovic pinayuhan na magpaturok ng COVID-19 vaccine para makalaro sa Australian Open

Mahigpit na pinaalalahanan ng mga opisyal ng Australia na dapat magpaturok ng COVID-19 vaccine ang sinumang tennis player na lalahok sa Australian Open.

 

 

Isa sa maaapektuhan ay si Australian Open defending champion Novak Djokovic.

 

 

Hanggang sa kasalukuyan kasi ay hindi pa rin isinisiwalat ng Serbian tennis player kung ito ay nagpabakuna na laban sa COVID-19.

 

 

Sinabi naman ni Minister for Immigration Alex Hawke na ang mga manlalaro mula sa ibang bansa ay dapat magkaroon ng dalawang vaccination shots para makapaglaro ng grand slam sa Melbourne Park sa darating na Enero.

 

 

Marami kasing mga professional tennis players ang nagdadalawang isip pa rin na magpaturok ng vaccine laban COVID-19.

Other News
  • PBA nakaabang na sa vaccine

    Nag-aabang na ang Philippine Basketball Association (PBA) sa vaccine na gagamitin sa mga players, coaches at officials nito.     Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, kumpirmado na ang vaccine ng liga dahil kasama na ito sa listahan ng mga nag-order sa Red Cross.     “Nag-request na kami sa Red Cross at nag-confirm na […]

  • Bilang dating UP Professor: Sec.Roque, binigyan ng 1.5 grado ang administrasyong Duterte

    BINIGYAN ni Presidential Spokesperson Harry Roque, dating professor ng UP College of Law ang administrasyong Duterte ng gradong 1.5 “on a scale of one to five” kung saan 1 o uno ang pinakamataas.   Ang gobyernong Duterte ay mayroon na lamang 15 buwan bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   “Karamihan po […]

  • TAGUIG, UNANG SIYUDAD SA NCR NA MAY LISENSYADONG HEALTH CENTERS BILANG PRIMARY CARE FACILITIES

    NAUNA ang dalawang Health Centers sa Lungsod ng Taguig ang nabigyan ng license to operate  bilang Primary Care Facilities (PCF) ng Department of Health (DOH).     Ang Calzada Health Center at Hagonoy Health Center ay may licensed to operate hanggang December 31, 2024  alinsunod sa Administrative Order No. 2020-0047 na  sumasakop sa lahat ng […]