Djokovic umatras na sa pagsali sa Madrid Open
- Published on May 1, 2021
- by @peoplesbalita
Umatras na sa pagsali sa Madrid Open si World number one Novak Djokovic sa pagsali sa Madrid Open dahil pa rin sa banta ng COVID-19.
Sa kaniyang Twitter sinabi nito na hindi na muna ito maglalaro sa nasabing torneo na gaganapin sa susunod na linggo.
Huling lumaban ang 33-anyos na si Serbian tennis star sa Serbia Open noong nakaraang linggo kung saan nagtapos ito ng semi-finals.
Hindi natuloy ang 2020 Madrid Open noong nakaraang taon dahil sa COVID-19 pandemic kaya nananatiling kampeon pa rin si Djokovic na nakuha ang titulo noong 2019.
Inaasahan naman ng mga fans na makakapaglaro ang Serbian tennis star sa Rome Masters at Belgrade Open sa susunod na buwan at sa French Open na magsisimula sa Mayo 30.
-
Eumir Marcial nakahanda na para sa laban sa US boxer na si Steven Pichardo
PINAGHAHANDAANG mabuti ni Olympic medalist Eumir Felix Marcial ang kaniyang susunod na laban kay American boxer Steven Pichardo. Gaganapin ang six-round middleweight fight sa Carson, California sa Oktubre 9. Sinimulan na nito ang kaniyang training camp noon pang nakaraang mga buwan sa Las Vegas. Ilan sa mga naging sparring […]
-
P5K ayuda sa 4 milyong minimum wage earners, itinulak
SA GITNA na rin ng mataas na inflation, isinulong sa Kamara na mabigyan ng tig-P5,000 ayuda ang nasa 4 milyong minimum wage earners sa bansa. Kasabay nito, inirekomenda rin ni House Deputy Speaker at Trade Union Congress of the Philippines Partylist Rep. Raymond Mendoza ang pagbuo ng isang “financial assistance program” na tatawaging […]
-
Quake drills, layon na bawasan ang casualties- NDRRMC
NANAWAGAN ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa publiko na magpartisipa sa lahat ng earthquake drills na naglalayong bawasan ang casualties lalo pa’t walang paraan ma-predict kung kailan mangyayari ang lindol. “We call on everyone to join the drill once again as part of our effort to reinforce earthquake preparedness. […]