DND sa mga Pinoy: Tularan ang katapangan ni Bonifacio sa gitna ng mga hamon sa seguridad
- Published on December 2, 2024
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN si Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa sambayanang Filipino na kumuha ng lakas mula sa katapangan ni Gat Andres Bonifacio habang ang bansa ay patuloy na nahaharap sa iba’t ibang mga hamon sa seguridad.
“His story of rising from humble beginnings to leading the fight against a formidable adversary resonates with the personnel of the DND, who are entrusted with the mandate to safeguard the sovereignty and territorial integrity of the Republic of the Philippines,” ang sinabi ni Teodoro sa isang kalatas.
Nakatakda namang ipagdiwang at gunitain ang ika–161 kaarawan ni Bonifacio, kilala rin bilang Great Plebeian, araw ng Sabado, Nobyembre 30, na may temang “Filipino Unity: Foundation for a Free and Prosperous People”.
“In the face of existing and emerging challenges to our national security, including external attempts to erode our independence from within, may we all continue to draw strength from Bonifacio’s courage, resilience, and love of country,” ayon sa Kalihim.
Hinikayat din nito ang lahat ng mga filipino na dakilain ang legado o ang pamana ni Bonifacio sa pamamagitan ng protektahan ang kaligtasan, kapakanan at kalayaan ng mga mamamayang filipino kung saan si Bonifacio at ang henerasyon ng mga bayani ay isinakripisyo ang kanilang buhay para sa bayan at sa mga mamamayan.
“As the founder of the Katipunan, Bonifacio championed the cause of freedom from oppression, the pursuit of equality, and the restoration of dignity for those who endured centuries of colonial rule,” ang sinabi ni Teodoro. (Daris Jose)
-
PSG, handang mamatay para kay PDu30-Sec. Roque
HANDANG mamatay ang Presidential Security Group (PSG) para protektahan ang seguridad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ito ang mensaheng nais ipabatid ng Malakanyang sa paggamit ng PSG nang smuggled at hindi FDA approved na COVID-19 vaccine. “Alam ninyo po ang PSG bagama’t iyan po ay—ang mga tauhan niyan ay galing sa lahat ng sangay ng […]
-
Balik-collegiate league pinaplantsa na ng JAO
BABALANGKAS Ang technical working group (TWG) ng Joint Administrative Order (JAO) panel ng training guidelines para sa pagbabalik ng mga collegiate league sa pangunguna ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) at University Athletic Association of the Philippines (UAAP). Ito ang ipinahayag nitong Lunes ni Commission on Higher Education (CHED) Commissioner Prospero de Vera […]
-
Senate building nasa total lockdown: 8 senador na ang sunod-sunod na nagpositibo sa COVID-19
INIUTOS ni Senate President Migz Zubiri ang total lockdown sa Senate building sa Lunes, Aug. 22 matapos na umabot na sa pitong mga senador ang sunod-sunod na nagpositibo sa COVID-19 ngayong buwan. Dahil dito, lahat na mga Senate employees ay pansamantala muna sa kanilang “work from home” upang bigyang daan ang isasagawang disinfection. […]