DOE, nanawagan nang mabilis na rollout ng electric vehicles
- Published on June 7, 2023
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN ang Department of Energy (DOE) para sa mas mabilis na rollout ng electric vehicles sa bansa para mabawasan ang pagsandal nito sa fossil fuels.
“The shift to EVs is expected to reduce the country’s dependence on imported fuel and to promote cleaner and energy-efficient transport technologies,” ang pahayag ng DOE sa isang kalatas.
Layon ng DOE ay maglunsad ng 2,454,200 electric vehicles, kabilang na ang mga kotse, tricycles, at motorsiklo, upang makatulong na mailigtas ang kapaligiran at makalikha ng investments para sa bagong industriya sa 2028.
Ayon sa DOE, ang panawagan para sa mabilis na pag-rollout sa mga electric vehicles ay bilang pagsuporta sa inisyatiba ng Electric Vehicle Industry Development Act na lumikha ng kaaya-ayang kapaligiran para sa development ng electric vehicles sa bansa.
Para naman sa Department of Transportation, ginagawa na nito ang roadmap para sa paglipat ng transport sector sa electric vehicles.
Kinokonsidera naman ng DOTr ang pagbibigay ng tax incentives at soft loans sa mga transport operators upang sa gayon ay matulungan ang mga ito na lumipat sa electric vehicles. (Daris Jose)
-
Irving isinusulong na gawing logo ng NBA si Bryant
Desidido pa rin si Brooklyn Nets star Kyrie Irving na dapat ipalit si Kobe Bryant sa logo ng NBA. Kabilang kasi si Irving sa inilunsad na petition noong 2020 ng pumanaw ang Los Angeles Lakers star sa helicopter crash kasama ang anak nitong si Gianna at pitong iba pa. Sinabi ni […]
-
P1.7 bilyong shabu sa tea bag nakumpiska, 2 Chinese tiklo
NAKAKUMPISKA ng 260 kilo ng hinihinalang shabu na nakasilid sa tea packs at nagkakahalaga ng kabuuang P1.768 bilyon, ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), katuwang ang Philippine National Police (PNP), sa dalawang sabayang buy-bust operation sa Quezon City at Cavite kahapon. Batay sa ulat ni PDEA Director General Wilkins Villanueva, […]
-
₱4-₱6 taas-pasahe sa MRT-3, inihirit
MAGING ang pamunuan ng Manila Rail Transit Line 3 (MRT-3) ay humihirit na rin ng taas-pasahe dahil sa kawalan umano nito ng kita. Nabatid na naghain ang MRT-3 ng petisyon sa Rail Regulatory Unit ng Department of Transportation (DOTr) para sa fare rate increase na mula P4 hanggang P6. Sakaling maaprubahan […]