DOE: Reserba ng kuryente sa Luzon grid hindi lang manipis, ‘negative’ na
- Published on June 3, 2021
- by @peoplesbalita
Inamin ng Department of Energy (DOE) na sumadsad na sa “negative” ang estado ng supply ng kuryente sa Luzon grid.
“Nakakalungkot ibalita na hindi na lang siya manipis, kundi negative na,” ani Energy Usec. Felix William Fuentebella.
Ayon sa opisyal, umaabot sa negatibo ang estado ng power supply kapag mas marami nang gumagamit ng kuryente, at kaunti na lang ang nagbibigay ng generator bilang dagdag na pwersa.
Sa ikatlong sunod na araw, nagpatupad ng yellow at red alert ang National Grid Corporation of the Philippines sa ilang bahagi ng Luzon.
Kaya inaasahan ang rotational brownout sa mga lugar na sini-serbisyuhan ng distribution utilities na nakakabit sa NGCP.
Ayon sa Energy department, malaki pa rin ang epekto ng mga nasira at biglang tumirik na power plant sa estado ng Luzon grid.
“(Sa ngayon) negative na tayo ng lampas 200-megawatts.”
Gayunpaman, kailangan daw magpatupad ng “manual load dropping” o rotational brownout para mapanatili ang integridad ng power system.
Inakyat na ng DOE sa ilang regulating agencies, tulad ng Energy Regulatory Commission ang sitwasyon.
“Binabantayan natin ang system operator (NGCP) dahil hinahanap parati ni Sec. (Alfonso) Cusi kung nasaan ang reserba.” (Daris Jose)
-
P5.9-B pinsala naitala sa agri sector dahil sa El Niño – DA
SUMAMPA na sa P5.9 billion pesos ang halaga ng pinsala na dulot ng El Niño phenomenon sa sektor ng agrikultura. Ayon kay DA ASec. Arnel de Mesa nasa 80, 000 na mga magsasaka ang apektado ng El Niño. Pinaka-malaki rito ay ang mga magsasaka ng palay na nasa halos 60, 000. […]
-
3 drug suspect tiklo sa buy bust sa Caloocan, Valenzuela
MAHIGIT P.3 milyon halaga ng droga ang nasamsam sa tatlong hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan at Valenzuela Cities. Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., ang pagkakaaresto kay Victor Alferez Jr. alyas “Noy”, 21, at Zaldy Geroso, 38, […]
-
Take-over diumano ng Grab sa Move It bilang accredited motorcycle-taxi service provider dapat imbestigahan ng TWG
APAT na Transport-Commuters Advocates, kabilang na ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang nanawagan sa Technical Working Group (TWG) ng pilot test ng motorcycle taxi operation na imbestigahan ang diumano ay pagbenta ng MOVE IT sa Grab upang ang huli ay makapasok sa PILOT TEST ng motorcycle taxis. Matatandaan na tatlo ang binigyan […]