DOH: ‘2021 pa posibleng isailalim sa MGCQ ang buong Pilipinas’
- Published on November 6, 2020
- by @peoplesbalita
AMINADO ang Department of Health (DOH) na hindi malabong ibaba na sa antas ng modified general community quarantine (MGCQ) ang buong Pilipinas sa unang quarter ng 2021 kung matagumpay na maaabot ng local government units ang mga itinakdang batayan ng mga eksperto.
Ayon kay Health spokesperson Maria Rosario Vergeire, may itinakda silang “gatekeeping indicators” na dapat matugunan ng mga lokal na pamahalaan para maabot nila ang pinaka-maluwag na antas ng community quarantine.
“Mayroon tayong gatekeeping indicators and we already have set targets and milestones.”
Kabilang sa mga ito ang epektibong surveillance system, contact tracing, pagsunod ng publiko sa minimum health standards at enforcement ng LGUs.
“Ang sabi namin, if only local government units will be able to achieve these gatekeeping indicators by the end of December, we have set that targeted milestone by the end of first quarter of next year, all LGUs hopefully will be at MGCQ stage.”
Hindi naman isinasantabi ni Vergeire ang mga naitatala pa ring kaso ng COVID-19 ngayon, pero kung magagawa raw abutin ng mga lokalidad ang indicators ay siguradong kaya na rin ng mga ito na pigilan ang pagkalat ng coronavirus sa kanilang lugar.
Sa huling tala ng DOH, umaabot na sa 387,161 ang total ng COVID- 19 cases sa Pilipinas.
-
Teacher arestado sa intentional abortion
Isang school teacher na sinampahan ng kasong paglabag sa Article 256 of the Revised Penal Code o intentional abortion ng kanyang mister ang inaresto ng pulisya sa Navotas city. Ang pagkakaaresto sa school teacher, na pansamantalang itinago ang pagkakilanlan ay base sa warrant of arrest na inisyu ni Navotas Metropolitan Trial Court (MTC) […]
-
PNR extension project magsusulong ng pag-unlad sa C. Luzon
Inaasahan na magbibigay at magsusulong ng pag-unlad sa ekonomiya ng Central Luzon ang North-South Commuter Rail Project kapag natapos na ang pagtatayo nito. Makapagbibigay din ang NSCR hindi lamang para sa pag-unlad ng ekonomiya sa Central Luzon kung hindi marami rin ang trabaho na malilikha ito. “A transport infrastructure project like […]
-
34 border checkpoints inilatag sa Metro Manila
TATLUMPU’T apat na border checkpoint ang inilatag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila sa gitna na rin nang pagsipa ng kaso ng COVID-19. Layon nito na imonitor at tiyakin ang pagsunod ng publiko sa minimum health protocols. Ayon kay NCRPO Chief P/Major Gen. Vicente […]