DOH: ‘Bentahan ng COVID-19 vaccines’ iniimbestigahan na ng NBI
- Published on July 6, 2021
- by @peoplesbalita
Hihintayin na lang daw ng Department of Health (DOH) na matapos ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ng umano’y bentahan ng COVID-19 vaccines.
Pahayag ito ng ahensya matapos maaresto ang isang nurse at dalawang indibidwal na sangkot umano sa pagbebenta ng 300 doses ng bakunang Sinovac.
“Iniimbestigihan na ito ngayon ng NBI at ayaw naming i-preempt whatever their findings would be,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.
“Ang imbentaryo namin everyday, so our LGU’s submits to vaccine cluster nationally and regionally after itong imbentaryo ng mga bakuna na nagamit versus yung bakunang mayroon sila. May mga tao rin tayong nagmo-monitor ng logistics.”
Muling pinaalalahanan ng opisyal ang publiko na huwag tangkilikin ang mga ibinibentang bakuna dahil sa ngayon libreng ipinapamahagi ng pamahalaan ang COVID-19 vaccines.
Umapela rin ang opisyal sa mga sangkot sa bentahan ng bakuna na intindihin ang pangangailangan ng bansa sa bakuna, lalo na’t limitado pa rin ang pandaigdigang supply.
“Intindihin natin na marami pa sa ating mga kababayan ang nababakunahan at hindi ito ang panahon para pagkakitaan natin ang isang bagay na mahalaga sa mga Pilipino.”
Nilinaw na ni Manila Mayor Isko Moreno na kahit empleyado ng Gat Andres Bonifacio Medical Center ang naarestong nurse, ay hindi naman vaccine supply ng lungsod ang pinaniniwalaang naibenta nito.
-
SBP nagpaplano na para sa FIBA ACQ hosting
Simula na ang planning session ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa hosting ng bansa ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pebrero. Nagsagawa na ang mga opisyales ng SBP ng ocular inspection sa Angeles University Foundation gym sa Angeles, Pampanga na posibleng pagdausan ng mga laro. Binisita rin ng SBP ang Quest […]
-
Bulacan, inilawan ang LED Christmas Tree
LUNGSOD NG MALOLOS – Isang mas maliwanag na panahon ng Kapaskuhan ang naghihintay sa mga Bulakenyo dahil sa nakatakdang pag-iilaw ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa Christmas Tree na puno ng Light Emitting Diodes (LED) kahapon Nobyembre 24, alas-6:00 ng gabi sa harap ng gusali ng Kapitolyo dito. Tinaguriang “Pag-iilaw ng Krismas Tree […]
-
‘The Seed of Love’, three years in the making: RICKY, ipinapasa lang ang natutunang style kay Direk LINO
KUNG ano raw ang natutunan ni Ricky Davao sa kanyang mentor noon na si Direk Lino Brocka, iyon din daw ang ipinapasa niya sa kanyang mga dinidirek na artista. Naging direktor ni Ricky si Direk Lino sa dalawang pelikula na ‘White Slavery’ (1985) at ‘Natutulog Pa Ang Diyos’ (1988). Marami raw siyang nakuhang […]