DOH: Higit 50-M vaccine doses vs COVID-19 ‘panis na’ ngayong Marso 2023
- Published on March 10, 2023
- by @peoplesbalita
AABOT sa nasa 50 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang posibleng mapanis sa pagtatapos ng Marso 2023, pagkukumpirma ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa Senado sa darating na araw.
Ito ang sinabi ni Vergeire sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee matapos matanong ni Sen. Francis Tolentino kaugnay ng mga gamot kontra sa nakamamatay na sakit.
“So the number of doses pending, that will expire would probably total additional 6.74 million doses, madam secretary, do you confirm this? For a total of 50.74 [million] wasted vaccines, is that a correct addition?” wika ni Tolentino.
“I confirm that this would be the amount if we already include those to expire until the end of March this year,” sagot ni Vergeire sa senador.
Sinasabing nasa mahigit 44 milyong COVID-19 doses na ang nae-expire sa ngayon, maliban pa sa 6.74 milyong nakatakdang mapanis.
Nangyayari ito habang nasa 21.57 milyong booster doses pa lang ang naituturok sa bansa, malayo sa 73.89 milyong nakakumpleto na ng kanilang primary series ng bakuna.
Nananatili rin daw na mababa ang nagpapabakuna ngayon laban sa COVID-19 sa mga probinsya habang tinatanggal na ang karamihan sa mga restrictions laban sa sakit.
Posibleng tumaas pa raw ang bilang ng mga masasayang na gamot sa mga darating na buwan.
“That might happen but for now, based on the inventories, the succeeding expiry dates of the vaccines would already be in September 2023,” wika pa ni Vergeire.
Tinatayang nasa 6.9 milyong bakuna pa ang siyang naka-“quarantine” sa ngayon habang inaantay ng mga gumagawa ng gamot ang Food and Drug Administration na payagang palawigin ang kanilang self life.
Dahil sa vaccine hessitancy, hindi raw malayong umabot pa ang wastage sa hanggang 60 milyon.
“We are doing all things possible now so that we can intervene and we can ramp up again the vaccination,” dagdag pa ni Vergeire.
Matatandaang ika-31 ng Disyembre nang mag-expire ang state of calamity sa Pilipinas kaugnay ng COVID-19, bagay na nagpapahintulot ng mga measures upang sugpuin ang pandemya. Gayunpaman, wala pa naman daw plano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawigin ito habang kumakalma ang bilang ng infections.
Dahil dito, sinasabing wala nang emergency use authorization ang mga bakuna na siyang nagbibigay kapangyarihan sa gobyerno na bumili uli ng bakuna.
Aabot na sa 4.07 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 ngayon sa Pilipinas simula nang makapasok ito sa bansa noong 2020. Sa bilang na ‘yan, aktibo pa ang nasa 8,943 habang patay naman na ang 66,176. (Daris Jose)
-
Pinas ready na sa hosting ng FIVB men’s world meet
HANDANG-handa na ang Pilipinas para sa pamamahala sa 2025 FIVB Volleyball Men’s World Championships na hahataw sa Setyembre 12 hanggang 28 sa SM Mall of Asia Arena at sa Smart Araneta Coliseum. Ito ang sinabi kahapon ni Philippine National Volleyball Federation (PNVF) president Ramon “Tats” Suzara sa ikalawang Inter-Agency Meeting na inorganisa ng Philippine Sports […]
-
COVID-19 cases sa PNP tumataas
Kasabay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID sa hanay ng mga pulis, inutos ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar sa PNP Administrative Support to Covid-19 Task Force (ASCOTF) na magsagawa ng inventory sa mga gamot at iba pang mga medical supplies na kakailanganin ng mga police personnel. […]
-
Spurs sunog sa Heat
KUMAMADA si center Bam Adebayo ng season-high 36 points para banderahan ang Eastern Conference-leading Heat sa 133-129 paggupo sa San Antonio Spurs. Nag-ambag si Tyler Herro ng 27 markers para ibangon ang Miami (40-21) mula sa 16-point deficit at resbakan ang San Antonio (24-37). May 27 points din si Jimmy Butler […]