• March 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH humingi ng karagdagang P3.6-B pondo para sa special risk allowance ng mga health workers

Humingi ng karagdagang P3.6 billion na pondo ang Department of Health (DOH) para sa special risk allowance (SRA) ng mga healthcare workers sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon kay Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

 

 

Ayon kay Vergeire, nag-request na ang DOH para rito noong Abril at hinihintay na lamang sa ngayona ng tugon dito ng Department of Budget and Management (DBM).

 

 

Kamakailan lang, ilang grupo ng mga health workers ang nagbanta na sila ay magsasagawa ng mass resignation kasabay nang apela sa release ng kanilang mga benefits.

 

 

Pero ayon kay Vergeire, ang release ng mga benepisyo ng mga health workers na ito ay kailangan munang dumaan sa wastong proseso.

 

 

Hunyo 30 nang ibinaba ng DOH ang P9 billion na pondo sa kanilang regional offices at mga ospital para sa SRA ng mga health workers.

Other News
  • ASEAN, walang impluwensiyang taglay gaya ng sa EU

    IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na walang impluwensiya ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na kahalintulad ng impluwensiya na mayroon ang European Union pagdating sa pag-secure ng bakuna laban sa COVID-19.   Sa public address ng Pangulo noong Lunes ng gabi ay sinabi nito na ang ASEAN countries ay hindi naman makapangyarihan gaya […]

  • NGCP, binawi na ang red alert sa Luzon power grid; yellow alert , nananatiling nakataas

    BINAWI  na ng  National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)  ang red alert status na inilagay nito sa  Luzon power grid , araw ng Sabado.     Ang pagbawi sa  red alert ay nangyari ng alas- 5:30 ng kamakalawa.     Sa isang kalatas na ipinalabas ng  Department of Energy (DOE),  itinaas ng NGCP ang […]

  • Bago o mataas na buwis tinitingnan para bayaran ang utang ng Pinas

    SA NATITIRANG limang buwan na lamang sa tanggapan, ipinanukala ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang bago o mataas na buwis para mabayaran ang foreign debts ng Duterte administration na ginamit para tugunan ang COVID-19 pandemic.     “We are very confident that 2022 will be the year that we will return to normalcy,” ayon […]