• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DoH, ia-anunsyo ang alert level sa NCR sa Oktubre 1

ANG Department of Health (DOH) ang maga-anunsyo sa Oktubre 1 kung mananatili o babaguhin ang COVID-19 alert level sa National Capital Region (NCR).

 

Sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque, sinabi ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea De Guzman na sila ang magde-desisyon kung pananatilihin ang NCR sa ilalim ng Alert Level 4 o ibaba ang classification nito.

 

Ang NCR ay kasalukuyang nasa moderate risk para sa COVID-19.

 

Base sa ginawang monitoring ng DoH, ang mga bagong kaso sa rehiyon ay bumaba ng 13% sa nakalipas na dalawang linggo subalit ang average daily attack rate (33.98 kaso kada 100,000 populasyon) at ICU utilization (76.22%) ay nananatili naman sa high risk.

 

“Kung ito pong mga numerong ito ng NCR ang ating pagbabasehan, tayo po ay posibleng manatili pa sa Alert Level 4. Subalit ang mga metrics at ating mga numero ay tuloy-tuloy po nating pag-aaralan,” ayon kay De Guzman.

 

“We need to look at not one or two metrics but several for us to have a better picture and understanding of the COVID-19 situation — cases and fatality data, healthcare capacity, PDITR (Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate) indicators, and vaccination coverage.” dagdag na pahayag ni De Guzman.

 

Nito lamang nakaraang linggo, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos na umaasa siya na ang NCR ay ilalagay sa ilalim ng pandemic alert level 3 sa Oktubre.

 

Ang “growth and reproduction rates” ng COVID-19 cases sa Kalakhang Maynila ay bumababa na.

 

Ang Kalakhang Maynila ay inilagay sa ilalim ng  Alert Level 4 simula noong Setyembre 16. Ang pilot implementation ay tatakbo ng hanggang Seyembre 30.

 

Base sa bagong guidelines ng pamahalaan, ang mga lugar sa ialim ng Alert Level 4 — itnuturing na “second highest alert level” sa bagong scheme — ay iyong mayroong COVID-19 case counts na mataas o tumataas habang ang total beds at ICU beds ay nasa high utilization rate.

 

Sa ilalim ng Alert Level 4, ang outdoor o al fresco dine-in services sa restaurants at eateries ay maaaring mag- operate sa maximum na 30% venue/seating capacity maging anuman ang vaccination status. Ang Indoor dine-in services ay papayagan sa limitadong 10% venue/seating capacity subalit magsisilbi lamang sa mga indibiduwal na fully vaccinated laban sa COVID-19.

 

Ang mga personal care services na limitado sa barbershops, hair spas, nail spas, at beauty salons ay papayagan sa maximum na 30% venue/seating capacity kung ang serbisyo ay ginawa sa outdoors maging anuman ang vaccination status. (Daris Jose)

Other News
  • Guo pinapa-obligang maglabas ng record kung paano nagastos ang P1.1-B sa kaniyang account

    IPINAG-UTOS ni Senate committee on women, children, family relations and gender equality chairman Senator Sherwin Gatchalian ang pagpapalabas ng subpoena para obligahin si dating Bamban Mayor Alice Guo na maglabas ng mga records ukol sa nadiskubreng check disbursements na nagkakahalaga ng P1.1 bilyon mula sa kaniyang account.     Dagdag pa ni Gatchalian na hindi […]

  • PAUL, iba rin ang naging pasabog sa pag-post ng bagong underwear campaign

    IBA ang naging pasabog ni Paul Salas noong nag-turn 23 years old noong nakaraang Biyernes.     Ito ay ang pag-post niya ng bagong underwear campaign niya for Bench Body.     Pinaglaway ng Kapuso hunk ang mga beki netizens sa bagong sexy pictorial niya kunsaan suot niya ay black and gray underwear.     […]

  • TNT Tropang Giga tatapusin na ang SMB

    ANG pagsasara sa isang serye ang pinakamahirap gawin, ayon kay nine-time PBA champion coach Chot Reyes ng nagdedepensang TNT Tropang Giga.     “I’ve always said it. The hardest game to win is the fourth game. So we have no illusions about it,” sabi ni Reyes sa pagsagupa ng Tropang Giga sa San Miguel Beermen […]