DOH: Lahat ng bata 12 pataas pwede ng paturok vs COVID-19
- Published on October 28, 2021
- by @peoplesbalita
Kinumpirma ng Department of Health na maaari nang maturukan laban sa coronavirus disease (COVID-19) ang lahat ng batang edad 12-17 simula susunod na linggo.
Ito ang kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos matanong ng reporters tungkol sa pahayag ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., Miyerkules.
“Yes we are confirming [nationwide vaccination for children next week],” banggit ni Vergeire kung totoong sisimulan na ang COVID-19 vaccination ng mga bata simula ika-5 ng Nobyembre.
“Guidelines are being drafted.”
Dati kasi ay sa Metro Manila lang pinapayagan ang pediatric vaccination sa mga 12-17 years old gamit ang Pfizer at Moderna, na kinakailangang may comorbidity pa o karamdaman.
Wala pa namang detalye kung saang mga rehiyon, anong mga ospital at pasilidad at kung ilang menor de edad ang target mabakunahan ng gobyerno sa ngayon.
Kanina lang nang sabihin ni Galvez mababakunahan na ang mga bata sa susunod na Biyernes, na maaari pa nga raw maging “as early as November 3.” Gayunpaman, inilinaw ng DOH na ika-5 ng Nobyembre talaga ito igugulong.
Kasalukuyang nagbibigay ng COVID-19 vaccinations sa mga bata ang 28 ospital at pasilidad sa Pilipinas. Inaasahang nasa 40-50 ospital pa ang madadagdag dito ngayong Biyernes, ani Galvez.
Wala pa namang detalye kung saang mga rehiyon, anong mga ospital at pasilidad at kung ilang menor de edad ang target mabakunahan ng gobyerno sa ngayon. (Gene Adsuara)
-
Naging emosyonal sa pagtanggap ng ‘Aliw Awards’: PIOLO, umaasang susuportahan ng mga Pinoy ang ten entries sa ‘MMFF 2023’
NAGING emosyonal nga ang bida ng ‘Mallari’ na si Piolo Pascual sa natanggap niyang parangal sa katatapos lang na 36th Aliw Awards. Ang premyadong actor kasi ang tinanghal na “Best Lead Actor in Musical” para sa kanyang mahusay na pagganap sa musical play na “Ibarra.” Sa interview ng ABS-CBN entertainment reporter na si […]
-
Cebu City, isinailalim na sa state of calamity dahil sa Bagyong Agaton
TULUYAN nang nagdeklara ng state of calamity si Cebu City Mayor Mike Rama sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Agaton na nagdala ng walang humpay na pag-ulan sa lungsod. Alinsunod sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council, ipinatupad rin ng alkade ang “no work, no classes” ngayong araw bilang preventive […]
-
MSMEs protektahan laban sa cyber attacks
DAPAT magsanib puwersa ang mga kalihim ng Departments of Trade and Industry (DTI) at Information and Communications Technology (DICT) para masigurong nakahanda ang business sector laban sa lumalaking bilang ng panganib sa online, lalo na sa ulat ng isa sa bawat dalawang small and medium enterprises (SMEs) ay dumaranas ng cyber attacks simula noong nakalipas […]