• May 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH maghahain ng ’emergency use’ application para sa Sinopharm COVID-19 vaccine

Mismong Department of Health (DOH) na raw ang maghahain ng aplikasyon para magkaroon ng emergency use sa Pilipinas ang COVID-19 vaccine ng Chinese company na Sinopharm.

 

 

Ito ang inamin ni Health Sec. Francisco Duque III, matapos mapasali sa emergency use listing ng World Health Organization (WHO) ang Sinopharm vaccine.

 

 

Ayon sa kalihim, ngayong araw nila ipapasa ang aplikasyon sa Food and Drug Administration (FDA), na nangangasiwa sa mga aplikasyon ng emergency use authorization.

 

 

“Ang DOH maga-apply ng EUA sa FDA para sa Sinopharm dahil nga mayroon ng emergency use listing na inilabas ng WHO,” ani Duque sa interview ng Teleradyo.

 

 

Noong Biyernes nang ianunsyo ng WHO na kasali na rin sa kanilang emergency use listing ang naturang Chinese vaccine. Ibig sabihin, pwede nang i-rolyo ng mga bansa ang bakuna ng Sinopharm.

 

 

Tulad ng sa Sinovac at Bharat Biotech, gawa sa inactivated virus ang bakuna ng Sinopharm.

 

 

Ayon sa WHO, may efficacy rate na 79% ang naturang vaccine brand sa mga symptomatic at hospitalized COVID-19 patients.

 

 

Ito rin daw ang kauna-unahang bakuna na mayroong “vaccine vial monitor,” na isang uri ng sticker na nakakabit sa vial o lalagyan ng bakuna.

 

 

“It is the also first vaccine that will carry a vaccine vial monitor, a small sticker on the vaccine vials that change color as the vaccine is exposed to heat, letting health workers know whether the vaccine can be safely used,” ayon sa WHO.

 

 

Bukod sa Sinopharm vaccine, ginawaran na rin ng emergency use ng WHO ang COVID-19 vaccines ng Pfizer-BioNTech, Janssen, Moderna, at AstraZeneca na gawa ng manufacturer sa South Korea at India.

 

 

Una nang sinabi ng FDA na bukod sa vaccine manufacturers, pwede ring mag-apply ng emergency use ang pamahalaan, sa pamamagitan ng DOH.

 

 

Noong nakaraang linggo nang maturukan ng Sinopharm vaccine si Pangulong Rodrigo Duterte. (Daris Jose)

Other News
  • MAX, tiyak na makaka-relate sa bagong teleserye sa pinagdaraanan nila ni PANCHO

    SA Bataan ang lock-in taping ng bagong sinisimulang serye ng GMA-7, ang To Have and To Hold.     Nakakausap namin ang isa sa mga bida ng serye na si Max Collins at ayon dito, mga hanggang third week of June pa pala sila naka-lock-in.     Dahil sobrang higpit ng safety protocols, gusto sana […]

  • DHSUD, pinagana ang regional emergency shelter clusters sa gitna ng pananalasa ni ‘Carina’

    INATASAN ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang lahat ng regional directors na maghanda ng emergency shelters para sa mga residente na tiyak na madi-displaced dahil sa mataas na tubig-baha at iba pang matinding epekto ng bagyong “Carina”.     Sinabi ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, isang memorandum ang ipinalabas para […]

  • Kaso ng HIV sa bansa, bahagyang bumaba sa huling quarter ng 2024

    BAHAGYANG sumadsad pababa  ang kaso ng Human Immunodeficieny Virus o HIV sa bansa sa huling quarter ng 2024,ayon sa Department of Health (DOH) Ito ang sinabi  ni  Health Assistant Secretary at Spokesman Dr. Albert Domingo, Mula sa dating 50 kaso kada araw noong Hulyo  hanggang Setyembre  na nahahawaan, sinabi ni  Health Assistant Secretary at Spokesman […]