DOH: Mga doktor na nag-reseta ng ivermectin, pina-iimbestigahan na sa PRC, FDA
- Published on May 4, 2021
- by @peoplesbalita
Naipadala na ng Department of Health (DOH) sa Professional Regulation Commission (PRC) ang liham na nage-endorsong maimbestigahan ang mga doktor na nag-reseta ng ivermectin sa Quezon City noong nakaraang linggo.
“Nakapagpadala na tayo ng formal letter sa PRC last Friday, and they have acknowledged this,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.
Naipadala na ng Department of Health (DOH) sa Professional Regulation Commission (PRC) ang liham na nage-endorsong maimbestigahan ang mga doktor na nag-reseta ng ivermectin sa Quezon City noong nakaraang linggo.
“Nakapagpadala na tayo ng formal letter sa PRC last Friday, and they have acknowledged this,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.
Kabilang sa mga doktor na nagbigay ng sinasabing invalid prescription sina Dr. Allan Landrito, Dr. Iggy Agbayani, Dr. Raffy Castillo, at Dr. Sham Quinto.
Una nang umapela sa DOH ang naglunsad ng aktibidad na si Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor, na huwag parusahan ng ahensya ang mga doktor.
Sa halip, sila ni SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta na lang daw ang habulin ng Health department.
Ayon naman kay Vergeire, susundin lang nila kung ano ang nakasaad sa batas kaugnay ng issue.
“We will according to the existing laws we have in the country, identified violations, and accountable person. Uphold namin yung nakalagay sa batas.”
Sa ilalim ng FDA Act of 2009, ipinagbabawal ang manufacturing, distribusyon, at pagbebenta ng mga hindi rehistradong gamot.
Wala pang rehistradong ivermectin sa Pilipinas bilang treatment sa mga pasyente ng COVID-19.
Ayon sa World Health Organization at European drugmaker na Merck, walang sapat na ebidensyang mabisa at ligtas laban sa coronavirus ang ivermectin.
-
Ads June 26, 2020
-
NBA DRAFT MAGIGING VIRTUAL NA
MAGIGING virtual fashion na ang gagawing NBA draft para sa 2020-2021 season. Ayon kay NBA commissioner Adam Silver, gagawin ito sa ESPN studio sa Bristol, Connecticut sa darating na Nobyembre 18. Makakasama ni Silver si NBA deputy commissioner Mark Tatum para ianunsiyo ang mga selections sa una at pangalawang rounds. Ang mga […]
-
Nag-react at nalungkot ang SethDrea fans: ANDREA, pumayag na maging girlfriend ni RICCI kaya mag-on na sila
HAPPY and thankful si Tony Labrusca sa panalo ng Hello Stranger bilang Best BL Series at silang dalawa ni JC Alcantara bilang Best BL Loveteam sa Village People Awards. Tinalo lang naman nila ang Gameboys at tandem nina Kokoy de Santos at Elijah Canlas for the honor. Sa exclusive interview namin with Tony, sinabi ng binata na unexpected daw ang panalo nilang iyon. Pero […]