DOH, nagbabala vs heat-related illnesses ngayong tag-init
- Published on March 5, 2025
- by Peoples Balita
BINALAAN (DOH) ang publiko laban sa mga heat-related illnesses nitong Lunes, kasunod na rin nang unti-unti nang pag-init ng temperatura sa bansa dahil sa papalapit na summer season.
Partikular na tinukoy ng DOH ang heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke, na dapat na iwasan ng publiko.
“Ang ganitong mga temperatura ay maaaring humantong sa heat cramps o pamumulikat at heat exhaustion o pagkahapo na may mga sintomas tulad ng pagkapagod, pagkahilo, sakit ng ulo, [at] pagsusuka,” ayon kay DOH spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo.
Babala pa niya, “Ang matagal na pagkakalantad sa init ay nagpapataas ng posibilidad ng heat stroke, isang seryosong kondisyon na may pagkawala ng malay, pagkalito o kaya ay mga seizure, kumbulsyon na maaaring makamatay kung hindi ginagamot.”
Anang DOH, dapat na dalhin sa malamig o malilim na lugar ang pasyente at unti-unting painumin ng malamig na tubig.
Maaari anilang hubarin ang damit nito na maaaring makadagdag sa init at lagyan ito ng cold compress, ice pack, malamig na tubig o malamig na basang panyo sa katawan, partikular na sa ulo, mukha, leeg, kilikili, pulso, bukung-bukong at singit.
Mas makabubuti rin kung kaagad itong dalhin sa pagamutan upang malapatan ng kaukulang lunas.
Pinayuhan naman ni Domingo ang publiko na regular na subaybayan ang mga ulat mula sa PAGASA hinggil sa lagay ng temperatura.
-
Puring-puri rin sina Angeli, Christy at Denise: VICTOR, thinking actor at willing mag-frontal sa stage play ayon kay Direk ROMAN
NATANONG namin si Direk Roman S. Perez Jr. kung sinu-sino sa mga artista ng VMX(dating Vivamax) ang nakaaangat ngayon? “Sa ngayon, ha, yung new breed, malakas yung Christy Imperial, yung cousin ni Meg Imperial,” pahayag ni Direk Roman. “Malakas yon. Tapos abangan nila yung Aliya Raymundo. Ay! Iba siya! Iba rin siya, iba rin siya. […]
-
Gobyerno ng Pinas, NDF nagkasundo sa “principled, peaceful armed conflict resolution”
KAPWA nagkasundo ang gobyerno ng Pilipinas at National Democratic Front (NDF), political wing ng Communist Party of the Philippines’ (CPP) sa isang “principled and peaceful resolution of the armed conflict.” Matapos na lagdaan ng Philippine government at NDF ang isang joint statement sa Oslo, Norway noong Nobyembre 23. “Cognizant of the […]
-
‘Monster’ game ni LeBron na may 56-pts nagdala sa panalo ng Lakers vs Warriors
PATULOY pa rin sa kanyang pagbasag sa NBA record books ang 37-anyos na si LeBron James matapos na pangunahan ang panalo ng Los Angeles Lakers kontra sa Golden State Warriors, 124-116. Nagbuhos ai James ng season high na 56 big points mula sa 19-of-31 shooting, kasama na ang anim na three-pointers, at liban […]