DOH, nagsimula nang mamahagi ng bivalent Covid-19 vaccines
- Published on June 15, 2023
- by @peoplesbalita
NAGSIMULA na ang Department of Health (DOH) na mamahagi ng 390,000 doses ng bivalent Covid-19 vaccines sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
“So, dumating na iyong 390,000 doses of bivalent Covid-19 vaccines which came from COVAX. So, it’s a donation, hindi ito prinocure, and as of this moment, as we speak, I think they have already been redistributed to the different region(al offices) of the Department of Health,” ayon kay Health Secretary Ted Herbosa sa press briefing sa Malakanyang.
“It’s going to be (stored), parang may depots. Kasi may cold chain ang vaccine. So kailangan they’re kept at the right temperature,” ayon sa Kalihim.
Ani Herbosa, mayorya ng vaccine doses ay napunta sa National Capital Region (NCR) habang ang natitira naman ay napunta sa ibang rehiyon.
Sa kasalukuyan ay nakikipag-usap pa sila para makakuha pa ng mas maraming bivalent Covid-19 vaccines.
“So, what we will have to do is to prioritize who needs it first. So, number one, the elderly. Number two, iyong may comorbidity. Number three, iyong health care workers, kasi hindi ba inuna rin natin iyong healthcare workers. So nag-wane na siguro iyong immunity nila. We need to protect them also,” ayon kay Herbosa.
Winika nito na ang ilan sa mga usapin sa pagkuha ng mas maraming bivalent Covid-19 vaccines ay kinabibilangan ng registration ng doses ng Philippine Food and Drug Administration.
“Meron lang snag and issues kasi nawala iyong public health emergency. So, the issue of the vaccine is in terms of the EUA (emergency use authorization). So, to procure it, kailangan ma-i-rehistro sa ating FDA. But we are trying hard to get all these bivalent (vaccines),” ayon kay Herbosa.
Ang Pilipinas aniya ay hindi lamang bansa na sumusubok na maghanap at makakuha ng bakuna.
Tinukoy nito na kailangan nilang simulan na bakunahan ang mga priority individuals ng bivalent dose dahil mayroon lamang itong anim na buwan na shelf life “upon delivery.”
“Kasi kapag ang binili ko iyong nandoon na, makikita ninyo ini-isyuhan ninyo ako na nag-expire iyong bivalent vaccines kasi six months lang ang shelf life niyan, wala ng gamit. So kapag binili mo iyan out of the shelf, like this one, this donation, they end on November 23, that’s the expiry date. So, I need to start vaccinating people immediately,” ayon kay Herbosa.
Sa kabilang dako, muli namang nanawagan ang DoH sa publiko na magpabakuna at huwag maging kampante kahit pa idineklara ng World Health Organization (WHO) na tapos na ang Covid-19 bilang public health emergency.
“But we will continue to push for people to get vaccinated because it will prevent you, especially if you are at high risk of mortality. Kasi ngayon ang usapan na hindi iyong numero ng nagka-Covid,” ayon sa Kalihim.
“Naalala ninyo nitong mga nakaraang linggo, tumataas iyong positivity rate, may nire-report kaming mga namatay. Even my hospital in PGH (Philippine General Hospital), kasi I was head of ER (emergency room), isa o dalawa lang ang na-o-ospital and sila iyong may comorbidity. And sometimes, kung may mamatay na isa o dalawa, it’s because of that comorbidity kasi mas malala ang condition niya,” dagdag na wika nito. (Daris Jose)
-
Ryan Reynolds Reveals: Madonna Gave A “Great Note” That Made ‘Deadpool & Wolverine’ Scene “Better”
AFTER contacting the Queen of Pop for permission to use her 1989 single ‘Like a Prayer’ in Deadpool & Wolverine, Ryan Reynolds revealed she “gave a great note” for the sequence that quickly ended up in the final cut. “Also, let’s preface it with the fact that — Madonna doesn’t just […]
-
Gilas Pilipinas nanatili pa rin sa No. 31 sa world rankings – FIBA
Hindi nabago ang puwesto ng Pilipinas sa ika-31 sa buong mundo sa FIBA World rankings matapos ang Tokyo Olympics. Batay sa latest FIBA report ang Gilas Pilipinas ang ika-anim na best team sa Asia-Pacific kung saan nangunguna ang Australia na nasa No. 3 sa buong mundo. Nagbigay naman bigat sa puwesto […]
-
‘Conscience vote’ sa divorce bill lalarga sa Senado
SINIGURO ni Senate President Chiz Escudero na paiiralin sa Senado ang “conscience vote” pagdating sa pagboto sa panukalang diborsyo sa Pilipinas. Ayon kay Escudero, ang magiging posisyon ng Senado sa divorce bill ay conscience at personal vote at ibabatay sa kung ano ang kanya-kanyang paniniwala at relihiyon ng bawat senador. […]