• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH, naka-’Code White Alert’ ngayong Semana Santa

ITINAAS ng Department of Health (DOH) ang Code White Alert sa bansa, bunsod na rin nang paggunita sa Semana Santa.nnIto’y bilang bahagi ng paghahanda sa anumang health-related incidents na maaaring maganap dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga Pinoy sa mga lalawigan, mga simbahan at mga tourist destinations.nnAyon sa DOH, iiral ang Code White Alert mula kahapon, Abril 13, Palm Sunday, at magtatagal hanggang sa Abril 20, Easter Sunday.nnHinikayat naman ni Health Secretary Ted Herbosa ang publiko na manatiling vigilante at magsagawa ng kaukulang pag-iingat upang matiyak ang isang ligtas na paggunita ng Mahal na Araw.nn“Maging alerto po tayo sa mga kalsada ngayong karamihan ay magbibiyahe. At dahil din po sa matin­ding init, mag-iingat din po tayo sa epekto nito sa katawan. Maiiwasan ang heat stroke kung hindi masyado magbababad sa init at kung laging umiinom ng tubig,” ani Herbosa sa isang pahayag.nn“We encourage everyone to observe the Holy Week responsibly. Magpunta po sa mga DOH hospitals na tuluy-tuloy na naka-antabay at magbibigay ng healthcare services sa mangangailangan nito ngayong darating na Semana Santa,” dagdag pa ng kalihim.nnKaraniwan nang itinataas ng DOH ang Code White Alert sa bansa, sa panahon ng national events, holidays, o mga pagdiriwang na maaaring magresulta sa mass casualty incidents o emergencies upang matiyak ang kahandaan ng mga health facilities at personnel, partikular na ang emergency room.

Other News
  • COA kinuwestyon ang kakulangan ng ayuda ng DA sa mga magsasaka

    TINUKOY ng Commission on Audit (COA) ang ilang kuwestyunableng pamamahagi sana ng Department of Agriculture (DA) ng mga fertilizers, livestock, feeds at ilang agricultural products bilang ayuda sa mga magsasaka sa panahon ng pananalasa ng COVID-19.     Ang report ng COA ay bilang bahagi ng pagsasailaim nila sa annual audit noong nakarang taon sa […]

  • Solusyunan ang education crisis at hiling ng mga guro, hamon ng mga mambabatas sa bagong DepEd Secretary

    HINAMON ng mga mambabatas ang bagong talagang Department of Education Secretary na agad solusyunan ang education crisis at hiling ng mga guro.       Welcome naman kina House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro at House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang appointment ni Senador […]

  • CRITICS RAVE ABOUT DEV PATEL’S INTENSE AND THRILLING ACTION MOVIE “MONKEY MAN,” NOW SHOWING IN CINEMAS

    “Monkey Man,” Oscar® nominated actor (“Lion,” ”Slumdog Millionaire”) Dev Patel’s directorial debut, has a raw and intense power that is best experienced on the big screen.         Says cinematographer Sharone Meir of the film and director Patel: “I’m proud of how cohesive and unified the feel and the look of the movie is. I’m […]