• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH: Pareho ang protocol ng mga ospital para sa confirmed, probable/suspect COVID-19 cases

NILINAW ng Department of Health (DOH) na pareho lang ang protocol na ipinatutupad sa mga probable at suspected COVID-19 cases, tulad ng ginagawa sa mga confirmed o positibong kaso ng sakit.

 

Pahayag ito ng kagawaran sa gitna ng mga ulat na may ilang pamilya raw ang kumwestyon sa responde ng mga doktor sa kanilang kaanak na namatay nang hindi pa sumasailalim sa COVID-19 test.

 

”Most of the time the patient will come in the facility nang medyo malubha na ang kanilang sakit. Hindi sila nakakarating sa facility ng mas maaga, para magamot ng mas maaga.”

 

“Testing post-mortem hindi namin ina-advice kasi wala pa tayong sapat na ebidensya that even in cadavers na mataas pa rin ang load ng virus.”

 

Paliwanag ng opisyal, wala pang ebidensya na mataas pa rin ang “viral load” kahit sa mga namatay nang confirmed case. Kailangan daw kasi ng virus ng “host” o aktibong katawan para kumalat at makapanghawa.

 

Ayon kay Vergeire, protocol ng mga doktor ngayon na ituring bilang confirmed case ang mga darating na indibidwal sa ospital na may sintomas ng pandemic virus.

 

Pati sa mga mamamatay na pasyente nang hindi pa nate-test pero nakitaan ng sintomas, ay maaari na rin daw ituring na positibo sa COVID-19.

 

“Hindi natin dine-delay ang panggagamot kung sakaling wala pang test.. ang ating protocol kasi, kapag ang ating mga doktor ay na-assess nila na ang isang tao ay may COVID-related symptoms maaari silang makonsidera na suspect or probable kahit wala pang test.”

 

“Kung siya ay namatay because he/she is a suspect based on clinical assessment, kailangan kung paano tratuhin ang bangkay ng isang confirmed case pareho rin sa suspect/probable.”

 

Dagdag ng opisyal, tulad ng sa confirmed cases, inirerekomenda rin ang agarang cremation sa mga probable at suspect cases na babawian ng buhay.

Other News
  • Residential building sa Malabon gumuho, 3 sugatan

    ISANG 22-anyos na dalaga ang na-trap habang dalawa ang sugatan matapos gumuho ang isang apat na palapag na residential building sa Malabon City, Linggo ng umaga.     Ayon kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, si Ronalyn Tumbokon ay na-rescue bandang alas-11:25 ng umaga nang ma-trap ng higit apat na oras matapos gumuho ang […]

  • THE LORD’S FLOCK – FREE LENTEN RECOLLECTION

      THE LORD’S FLOCK – FREE LENTEN RECOLLECTION As we face life’s challenges…in the midst of our busyness… we are invited to take an opportunity to reflect on the personal meaning of God’s love and passion in our lives. The Lord’s Flock invites everyone to a 3-Day Lenten Recollection. Holy Wednesday, April 5, 6:30-8:30pm ; […]

  • DILG, pinayuhan ang LGUs na maglunsad ng barangay anti-dengue campaign

    PINAYUHAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang  local government units (LGUs) na buhayin ang kanilang  barangay inter-agency campaign laban sa dengue bunsod na rin ng pagtaas ng kaso nito.     Sa isang kalatas, sinabi ni  DILG Secretary Benhur Abalos na ang  Aksyon Barangay Kontra Dengue (ABKD) ay itinatag simula pa […]