• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH pinaghahanda sa lalo pang maluwang na Alert Level 2

Pinaghahanda na ng Department of Health ang lahat ng local government units (LGUs) sa Pilipinas na maghanda sa dahan-dahang pagluluwag pa lalo ng COVID-19 restrictions kasunod ng lalong pagbaba ng mga kaso nationwide.

 

 

Ang nabanggit ay sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos banggitin ni Interior spokesperson Jonathan Malaya na posibleng ilagay sa Alert Level 2 ang Metro Manila sa buwan ng Nobyembre.

 

 

Pero napagdesisyunan na nga ng pamahalaan na palawagin  ang Alert level 3 classification sa National Capital Region (NCR) para sa unang dalawang linggo ng Nobyembre.

 

“Ngayon pa lang, lahat ng LGUs were instructed [to] prepare already because we are seeing less, declining [COVID-19 cases] in all parts of the country except for some na medyo nandiyan pa rin sila doon sa medyo high risk risk classification,” ani Vergeire, Biyernes sa isang media forum.

 

 

“Pero marami na ho ang nakikita natin na talagang papunta na riyan sa direksyon na ‘yan na bababa talaga ang alert level.”

 

 

Kasalukuyang nasa low-risk classification ang Pilipinas nationally, matapos makapagtala ng negative 48% two-week growth rate at moderate risk average daily attack na 5.89 cases kada 100,000 indibidwal, ayon sa DOH nitong ika-25 ng Oktubre.

 

 

Low-risk na rin ang Metro Manila pagdating sa COVID-19, sabi sa monitoring ng OCTA Research Group nitong linggo. Matatandaang pinakamababa sa loob ng lagpas limang buwan ang new COVID-19 cases sa National Capital Region (3,218) nitong Miyerkules.

 

 

Una nang sinabi ng DOH na posible na tuloy ang Alert Level 2 sa Metro Manila sa mga susunod na linggo dahil sa inaasahang pag-“stabilize” ng COVID-19 cases sa pre-Delta variant numbers.

 

 

“We were able to advise the DILG at iba pa hong mga pamunuan ng mga miyembro ng ating mga miyembro ng IATF na dapat handa na lahat to shift into this Alert Level 2,” dagdag pa ni Vergeire.

 

 

“Magtulung-tulungan din po tayong lahat. Tayo pong lahat, bawat Pilipino, may obligasyon at responsibilidad na sumunod sa mga pamantayan pangkalusugan.”

 

 

Sa ilalim ng Alert Level 2, binabalawan na lang ang sumusunod maliban kung payagan ng pandemic task force o ng Office of the President:

  • casino
  • karera ng kabayo
  • sabong at sabungan
  • lottery at tayaan
  • iba pang gaming establishments

 

 

Ang iba pang mga aktibidad ay papayagan basta:

  • 50% indoor venue capacity para sa fully-vaccinated individuals
  • 70% outdoor venue capacity
  • hindi bababa sa 50% capacity sa government agencies

 

 

LGUs ang may karapatan sa pagdedesisyon sa movement restrictions na nakabatay sa edad at sakit, basta’t hindi ito mas mahigpit sa Alert Level 4. Ang mga hindi sakop ng naturang restrictions ay pwedeng pumunta sa ibang lugar na pareho o iba ang quarantine classification depende sa regulasyon ng lokal na pamahalaan.

 

 

Ipatupad man ito, hindi tatanggalin ang mga panuntunan sa “3Cs framework,” granular lockdowns kung magkaroon ng maraming kaso sa iilang lugar, active case finding, intensive testing, contact tracing, isolation at pagpapaiksi ng duration ng detection to isolation.

 

 

‘Ekonomiya lalong gaganda sa pagluwag’

 

 

Nagkakasundo na rin ang business sector pagdating sa posibleng shift sa Alert Level 2 ng Metro Manila, na siyang magtatapos sa ika-31 ng Oktubre.

 

 

Ayon kay Economic Planning Secretary Karl Chua nitong Huwebes, aabot sa P3.6 bilyon ang maidadagdag sa gross domestic product ng Pilipinas kada linggo oras na ilagay sa Alert Level 2 ang Kamaynilaan.

 

 

Maliban pa riyan, nasa 16,000 trabaho rin daw ang maibabalik sa ekonomiya.

 

 

Aabot na sa 2.77 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa DOH nitong Huwebes. Sa bilang na ‘yan, patay na ang 42,575. (Daris Jose)

Other News
  • BAGO GAWING REQUIREMENT ng LTFRB ang PAGTATANIM ng PUNO ay UNAHIN MUNA na PABILISIN ang pag PROSESO ng PAGKUHA ng PRANGKISA, AT IBA PA!

    Inulan ng batikos ang LTFRB sa bagong direktiba nito na magtanim muna ng puno bago makakuha ng prangkisa. Tuloy ang akala ng iba ay naisailalim na ng DENR ang LTFRB at wala na sa DOTr.   Pero kami sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) wala naman kaming nakikitang masama sa direktibang ganito ng […]

  • TONY, piniling mag-stay sa Dos dahil sa utang na loob

    ISA si Tony Labrusca na tumatanaw ng utang na loob sa ABS-CBN kaya nag-stay pa rin siya at hindi tumanggap ng projects sa ibang TV network.   “Ako po, pinag-pray ko talaga kasi honestly this time, gulung-gulo ako kung ano ang gagawin kasi ang daming lumilipat, honestly may mga naging offers ako sa ibang network […]

  • Matapos ang mahalagang partisipasyon sa WEF: PBBM, balik-Pinas na

    NAKABALIK na ng Pilipinas si Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., araw ng Sabado matapos dumalo sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland.     “I am pleased with the progress we have made during our crucial participation in the World Economic Forum (WEF), a truly global multi-stakeholder platform,” sa kanyang naging talumpati sa Villamor Air […]