• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DoH, siniguro na hindi magkakaroon ng anumang aberya sa pagbiyahe ng bakuna

TINIYAK ng Department of Health (DoH) na hindi magkakaroon ng aberya sa pagbyahe ng Covid-19 vaccine patungo sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) mula sa pagdating nito sa paliparan.

 

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DOH Director Ariel Valencia na mayoon na kasi aniyang mga inilatag na contingency plan ang gobyerno ukol sa kung papaano iha-handle Ang bakuna na inaasahang darating na sa bansa sa mga susunod na araw.

 

Sa katunayan ani Valenia ay sumailalim na sa special training ang mga cold chain managers, supply officer at ang mga pharmacist para sa tamang paghawak at pag-aalaga ng bakuna.

 

Bukod dito ay nagsagawa na rin ng simulation o exercises ang mga kinauukulan kung saan nakita dito na kung maaari lamang ay wala talagang masyadong movement mula sa pagbababa ng vaccines hanggang sa mailagay ito sa freezer van.

 

Habang ang mga security group naman ani Valencia na pangungunahan ng PNP at MMDA, ang magbibigay katiyakan na magiging ligtas at hindi maaabala ang pagbyahe ng freezer van mga patungo sa RITM at iba’t ibang ospital. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • ‘Injectable shabu’ nasabat, 2 kelot nadakma

    KALABOSO ang dalawang suspek na nagbebenta ng mga liquid o injectable shabu sa online sa ikinasang drug buy bust operation sa Barangay Highway Hills, Mandaluyong City kahapon (Huwebes, Pebrero 20) ng umaga.   Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Special Enforcement Service Director Levi Ortiz ang mga naarestong suspek na sina Mark Kenneth del […]

  • Ads January 22, 2020

  • Pinatar Cup: Filipinas naghahandang bumawi sa Scotland

    Siniguro ng Philippine womens’ football team ng bansa na Filipinas babawi sila at magtatala ng panalo sa nagpapatuloy na Pinatar Cup sa Spain.   Matatandaang nalasap ng Filipinas ang unang pagkatalo sa kanilang debut game sa Pinatar Cap kontra sa Wales 1-0  noong Huwebes.   Susunod na makakalaban ng Filipinas ang Scotland sa  Sabado.   […]