DoH, siniguro na hindi magkakaroon ng anumang aberya sa pagbyahe ng bakuna
- Published on February 15, 2021
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Department of Health (DoH) na hindi magkakaroon ng aberya sa pagbiyahe ng Covid-19 vaccine patungo sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) mula sa pagdating nito sa paliparan.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DOH Director Ariel Valencia na mayroon na kasing mga inilatag na contingency plan ang gobyerno ukol sa kung papaano iha-handle ang bakuna na inaasahang darating na sa bansa sa mga susunod na araw.
Sa katunayan ani Valenia ay sumailalim na sa special training ang mga cold chain managers, supply officer at ang mga pharmacist para sa tamang paghawak at pag-aalaga ng bakuna.
Bukod dito ay nagsagawa na rin aniya ng simulation o exercises sng mga kinauukulan kung saan nakita dito na kung maaari lamang ay wala talagang masyadong movement mula sa pagbababa ng vaccines hanggang sa mailagay ito sa freezer van.
Habang ang mga security group naman ani Valencia na pangungunahan ng PNP at MMDA, ang magbibigay katiyakan na magiging ligtas at hindi maaabala ang pagbyahe ng freezer van mga patungo sa RITM at iba’t ibang ospital. (Daris Jose)
-
IWAS COVID-19
PANDEMIC na ang COVID-19, sambit ng World Health Organization (WHO) na ibig sabihin ay mala-king bahagi na ng daigdig ang kinalatan ng virus. Maging ang Switzerland at Austria na masyadong mahigpit sa pagbabantay para hindi makapasok ang virus ay mayroon nang tig-isang kaso. Maski sa Middle East ay nakapasok na ang COVID-19 ma-karaang may […]
-
Tinitilian sa shirtless scenes: JM, nagpakilig at pinamalas na naman ang husay bilang aktor
GAGANAP bilang Mary Ann Armstrong si Carla Abellana sa Voltes V: Legacy. Anak ni Mary Ann sina Steve, Big Bert at Little Jon sa kuwento ng Voltes V: Legacy na eere sa GMA ngayong May 8. Hindi ba na-overwhelm si Carla na tatlong lalakiang anak niya sa series gayong sa tunay […]
-
Ads June 8, 2021