• May 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DoH, tiwalang makukumpleto na ang pagtuturok ng Covid-19 vaccines sa mga nasa A1, A2, at A3 priority list

KUMPIYANSA ang Department of Health (DoH) sa patuloy na pagdating ng mga suplay ng Covid -19 vaccines lalo na ng AstraZeneca at Sinovac.

 

Dahil dito, malapit nang makumpleto ng DoH ang pagbibigay ng bakuna para sa mga nasa A1 at A2 priority list.

 

Sinabi ni DoH Usec. Myrna Cabotaje, sa kanilang pinakabagong datus, tinatayang nasa 1.1 million na ng mga nasa A1 category ang nakatanggap ng bakuna, mula sa target nilang 1.5m vaccines.

 

Ang ibig sabihin aniya nito ay umaabot na sa 74% ang nabibigyan nila ng vaccines, habang nasa 23% naman ang hindi pa nakatatanggap ng vaccines laban sa covid19.

 

Sa kabilang dako, tinatayang nasa 7.7m na ang nasa kanilang masterlist na kabilang sa A2 category ay aabot pa lamang sa 6% o 466,000 ang natuturukan ng bakuna.

 

Makikita rin ani Cabotaje sa hawak nilang report  na karamihan ng A2, A3 ay matatagpuan sa NCR, CALABARZON, at Region III na pawang mga binuhusan aniya ng mga bakuna.

 

Sinabi pa rin niya na maging sa ibang rehiyon din umano ng bansa ay kakaunti pa lamang ang natuturukan ng Covid-19 vaccines kung saan umaasa aniya sila na sa pagdating pa ng mas maraming bakuna ay makukumpleto na ang pagbibigay ng vaccine para sa mga nasa A1, A2 at A3 priority group. (Daris Jose)

Other News
  • DOLE maglalaan ng P2-B na pondo para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19

    HUMINGI ng P2 billion na karagdagang pondo ang Department of Labor and Employment (DOLE) bilang financial assistance program sa mga manggagawang maaaring mawalan ng trabaho dahil sa coronavirus outbreak.   Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III, na inisyal lamang ang nasabing pondo at kung magkulang ay hihingi muli sila.   Umaasa rin ang kalihim […]

  • Tokyo 2020 Olympic chief tiniyak na mahigpit na babantayan ang COVID-19 cases

    Mahigpit na babantayan ng Tokyo 2020 organizing committee ang bilang ng mga nadadapuan ng COVID-19.     Ayon kay Toshiro Muto ang Tokyo 2020 chief na magsasagawa kaagad sila ng pagpupulong kung kinakailangan kapag lalong lumala ang bilang ng COVID-19.   Ilang araw kasi bago ang nasabing pormal na pagbubukas ng Olympics ay umaabot na […]

  • JOHN LLOYD, wish ng netizens na i-partner kay JENNYLYN at MARIAN ‘pag naging Kapuso na

    MUKHANG wala nang makapipigil pa kay John Lloyd Cruz sa pagiging Kapuso.     Sa post ng @kapusoprgirl noong Lunes, June 14 nakitang kasama ni John Lloyd ang GMA-7 Films president and programming consultant to the GMA chairman na si Annette Gozon-Valdes.     Naganap nga ang muling pagkikita at pag-uusap after a week mula […]